Maxine Medina Masayang Ibinahagi Na Nakatanggap Siya Ng Promise Ring Mula Sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend

Ibinida ng aktres na si Maxine Medina sa kanyang Instagram post ang “promise ring” na natanggap niya mula sa kanyang non-showbiz boyfriend na kinilalang si Timmy Llana.
Ayon sa ulat, ang non-showbiz boyfriend ng aktres, ay isang diving instructor, kaya naman madalas na nagdi-date ang magkasintahan sa mga beach.




Nito nga lamang ika-27 ng Disyembre 2020, ay ibinahagi ni Miss Universe 2016 Maxine Medina na hindi niya inaasahan na makakatanggap siya “promise ring” mula sa kanyang boyfriend, bilang regalo nito sa kanya.

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

Buong akala nga umano ni Maxene, ay isang regular na Christmas gift lamang ang matatanggap niya mula sa nobyo.

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

“I thought it was just a Christmas gift but this guy… haaay [three heart emojis].
“I didn’t honestly expect him to give his speech before he put ring on me – I promise to take care of you and will love you forever (YES NOT YET…. But it’s a PROMISE RING! (grinning with big eyes emoji)

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

‘I’m so much grateful and 100% speechless when he said those words I love to hear I love you! @timmyllana”

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

Ayon nga sa naging post ni Maxine, talagang naging speechless siya ng kasabay ng pagbibigay sa kanya ng nobyo ng regalo nitong “promise ring” sa kanya, ay nag-speech pa ito, at binitiwan nga ang mga salitang talagang nagpasaya sa kanyang puso.

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

Makikita naman sa comment box ng post na ito ni Maxine, ang naging komento ng ilan sa kanyang mga kaibigan, gaya na lamang ng kanyang mga kasamahan sa SundayKada ng TV5 na sina Ritz Azul at Sunshine Garcia.

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

Ilan pa nga sa mga makikitang nagkomento sa post na ito ni Maxine, ay ang ilang mga kapwa niya celebrity at beauty queen, tulad nina Ruffa Gutierrez, Mj Lastimosa, Aya Abesamis, Thia Thomalla at Chie Filomeno.

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

Sina Maxine at Timmy, ay isang taon ng magkarelasyon, at ang kanilang unang anibersaryo ay ipinagdiwang nga ng dalawa noong ika-14 ng Hunyo taong 2020, kung saan ay makikita noon sa Instagram ni Maxine, ang naging pagpapahayag niya ng kanyang pagmamahal sa nobyo.




“Happy ANNIVERSARY!!! @timmyIllana. Thanks for all the ways you love, support and care for me. I love sharing my life with you I love you so much.”

Matatandaan naman, na bago ang naging relasyon ni Maxine kay Timmy, ay nakarelasyon nito ng matagal ang model-actor na si Marx Topacio, kung saan ay umabot sa 7-taon ang kanilang relasyon ngunit nauwi sa paghihiwalay noong taong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *