May Bagong Career Na Sa Canada Ang Batikang Reporter Na Si Rhea Santos

Hindi biro ang maging isang reporter. Ang bawat mamamahayag sa buong mundo ay inaalay ang kanilang mga sarili upang makapagbigay ng mga napapanahong balita sa kanilang mga mamamayan sa kabila ng mga kailangan nilang harapin. Marami na tayong na balita ng mga mamamahayag na nakalagay ang buhay sa panganib sa ngalan lamang ng pagbabalita. Ang iba sa kanila, sa kabila ng kahit anong panahon, mapa bagyo man ito o sa mismong pinangyarihan ng isang krimen, naroon pa rin sila at buong tapang na nagbabalita.

Photo Credit: @msrheasantos/Instagram




Isa sa mga kilalang mamamahayag sa telebisyon ay ang “journalist” mula sa GMA na si Rhea Santos. Nakilala siya sa kanyang galing sa pamamahayag at sa kanyang mga natatanging dokumentaryo. Maraming mga naghahangad na mga mamamahayag ang tumingala sa kaniya dahil sa kaniyang galing at dedikasyon sa kaniyang trabaho. Pero nito lamang ay binalot ng malungkot na balita ang GMA dahil sa anunsyo ng ipinahayag ni Rhea Santos.

Photo Credit: @msrheasantos/Instagram

Nagbigay ng isang malungkot na anunsyo si Rhea Santos sa “Unang Hirit” at sinabing aalis na siya sa GMA bilang isang mamamahayag. Kung aking tatandaan, halos dalawang dekada ring nag serbisyo si Rhea sa GMA simula noong pumasok siya noong taong 2000. Ayon sa mga balita, mag-iibang bansa na si Rhea at ang kanyang pamilya kung saan naisip nilang manirahan sa bansang Canada. Ayon naman kay Rhea, bagama’t aalis ng bansa, hindi naman raw niya iiwan ang pamamahayag at sa katunayan ay doon mag-aaral ng Digital Journalism.

Photo Credit: @msrheasantos/Instagram

Marami ang nalungkot sa balitang ito ni Rhea at napuno rin ng mga tributes ang IG Stories ng kanyang mga katrabaho. Nagkaroon rin ng videoke party ang kanyang mga katrabaho at naghahanda para sa despedida ng kanilang trabaho na lilisan. Isa na namang batikang mamamahayag ang lilisan sa Pilipinas. Marami ring mga fans ni Rhea ang nalungkot lalo pa’t sinubaybayan nila ang mga dokumentaryo nitong hindi malilimutan. Kahit saan ka man pumunta, Rhea, itaas mo ang bandila ng Pilipinas!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *