Mega Star Sharon Cuneta Ibinahagi Kung Gaano Siya Kaswerte At Nagpapasalamat Sa Kanyang Napakabuting 35 Taong Driver

Hindi napigilan ni Mega Star Sharon Cuneta ang maging emosyonal ng mabasa ang mensahe ng pasasalamat para sa kanya ng kanyang napakatagal ng driver na si Nelson Siason o kung tawagin nga ni Mega Star ay si Mang Dodong.




Ayon sa naging ulat, halos tatlong dekada ng driver ni Mega Star si Mang Dodong dahil nasa 35-taon na niya itong driver. Kaya naman napapanahon na nga umano na ito ay magretiro upang makauwi na ito sa kanyang pamilya at mailaan na ang oras at panahon niya na makasama ang mga ito.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Mega Star ang naging pagbabahagi niya ng naging sulat ni Mang Dodong para sa kanya, na ang nilalaman nga ay ang lubos na pasasalamat nito para sa kanya dahil sa oportunidad na ibinigay niya rito na makapatrabaho bilang driver nito sa mahabang panahon.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Kalakip ng naturang larawan ng nasabing sulat, ay ang naging caption ni Mega Star na;
“Awww ang aga-aga ito namang driver kong si Nelson pinaiyak ako! Thanks so much Dodong sa walang humpay at tapat mong pag-aalaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Napakadami na nating napagdaanan at di moa ko iniwan at pinabayaan.”

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Buwan ng Marso taong 1986 ng mag-umpisa si Mang Dodong bilang driver ni Sharon, kung saan ay mula nga noon ay hindi na mabilang kung ilan at ano-ano na ang mga lugar na kanilang napuntahan ng Mega Star.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Para umano kay Mang Dodong, ay isang malaking karangalan na mapagsilbihan ang isa sa mga tinitingalang bituin (aktres) sa ating bansa, dahil maliban sa pagiging isang sikat at popular nito ay napakabuti rin umanong amo ni Sharon.

Nabanggit rin niya sa kanyang sulat sa Mega Star kung gaano siya kasaludo dito dahil nasaksihan niya kung paano nito nakayanang harapin ang lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay nito, hindi lang bilang actress kundi mas lalo na sa pagiging isang ina nito sa kanyang mga anak.

Dagdag pa ng driver ni Mega, sa 35-taon niyang pagbibigay serbisyo kay Sharon ay nakita niya kung gaano kabusilak ang puso nito kung saan bilang driver ay kasa-kasama siya nito sa tuwing ito’y bibisita sa mga outreach program at charities na ginagawa nito.

Lubos ding nagpapasalamat si Megastar Sharon Cuneta kay Mang Dodong, dahil sa mahigit tatlong dekada nito na pagbibigay serbisyo sa kanya bilang driver ay naging tapat ito sa kanyang pamilya at hindi sila nito iniwan.

Ayon nga kay Sharon, hindi niya lubos maisip na ngayon ay darating na ang panahon na maghihiwalay na sa kanilang buhay ay isang tao na lubos niyang pinagkakatiwalaan kaya naman talagang hindi niya napigil ang makaramdam ng kalungkutan.

Ibinahagi rin ng Mega Star kung gaano niya itinuturing na isang kapamilya si Mang Dodong maging ang pamilya nito, kaya naman sa huli ay sinabi niyang mag-ingat ang mga ito lalo na ngayon na patuloy pa rin ang paglaganap ng krisis sa ating bansa na malaki nga ang ang nagiging epekto sa kalusugan nating lahat.




Sa panahon ngayon ay mahirap ng makahanap ng kasambahay o driver mapagkakatiwalaan at hindi ka iiwan, kaya naman napaka-swerte ngang maituturing ni Mega Star dahil sa natagpuan niya ang isang katulad ni Mang Dodong na matagal ngang nag serbisyo sa kanya bilang driver niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *