Mega Star Sharon Cuneta Ibinahagi Kung Paano Siya Makitungo Sa Kanyang Mga Kasambahay

Marami na sa atin ngayon ang talagang nangangailangan ng kasambahay sa loob ng ating pamumuhay lalo na kung sa isang pamilya ay parehong kumakayod ang mag-asawa at kailangan ng mag-aaruga sa kanilang mga anak at pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa loob ng kanilang pamumuhay.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram




Kabilang sa mga taong hindi mawawalan ng kasambahay sa kanilang tahanan ay ang mga kilalang personalidad sa larangan ng showbiz industry. Ilan na din sa mga celebrity na kilala natin ang naitampok dahil sa kanilang maayos na pakikitungo sa kanilang sa kasambahay, ngunit meron din namang ilan na napabalita na hindi maganda ang naging pakikitungo sa kasambahay.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Ang mang-aawit/aktres na si Sharon Cuneta o mas kilala bilang si “Mega Star” ay isa sa mga sikat na personalidad sa industriya na mayroong mga kasambahay sa kanilang tahanan.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Paano nga kaya makisama sa kanyang mga kasambahay ang Mega Star?
Kilala si Sharon Cuneta bilang isa sa mga prominenteng actress sa industriya ng showbiz at isa rin sa mga batikang mang-aawit sa nasabing industriya.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Alam rin ng nakararami sa atin na bago pa siya maging isang kilalang bituin at mang-aawit sa industriya ay nagmula na siya sa angkan ng pamilya na may magandang pamumuhay.
Sa kabila ng lumaki sa marangyang buhay ay taglay ni Mega Star Sharon Cuneta ang pakikipagkapwa tao at maayos na pakikisama sa mga taong hindi niya kalebel sa buhay.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Katulad na lamang ng kanyang pakikitungo sa kanyang mga kasambahay o “Yaya” na talagang ipinagmamalaki niya ang mga ito dahil ang mga ito ang kanyang naging katuwang sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanyang mga anak na sina KC, Frankie, Mel at Miguel.

Sa katunayan ay ibinahagi ng Mega Star sa kanyang social media kung kaninong naka-aasign ang mga kasambahay nila at ayon sa kanyang kasambahay na si Yaya Irish ay nakatutok sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Kakie. Si Yaya Hanzel naman ay ang kanyang personal na assistant na nag-aasikaso ng kanyang mga pangangailangan at sa kanyang anak naman na si KC ay sina Yaya Vilma at Belle ang nag-aasikaso rito.

Ngunit kaakibat nga talaga ng pagiging isang sikat ay ang mga negatibong maaaring ibato sayo ng mga taong walang magawa sa buhay, kaya’t kahit na maayos ang pakikisama ni Sharon sa kanyang mga kasambahay ay may mga tao pa rin na nagbigay ng mga negatibong komento sa pagtrato niya sa mga ito ng minsang magbahagi siya ng larawan na kasamang kumakain sa isang restaurant ang mga Yaya ni KC at nakasuot ang mga ito ng uniporme nila.

Ang ibang netizens ay nag komento rito na kung bakit kailangan talagang naka uniform ang mga Yaya nina Sharon kahit kakakain lang sa restaurant. Na kung saan ay agad naman itong sinagot ng Mega Star, at sinabing hindi siya ang nagsasabi sa mga ito kung ano ang kanilang susuotin sa loob o labas man ng kanilang baha, na malaya ang mga ito sa kung ano man ang gusto ng kanyang mga Yaya na isuot.

Ayon pa din kay Sharon ay sa tuwing isinasaman ng kanilang pamilya ang kanilang mga kasambahay sa paglabas sa bansa ay malaya ang mga ito suotin ang damit na gusto ng mga ito na kung saan sila kumportable.

Ibinahagi rin ni Sharon na lahat ng kanilang mga kasambahay ay itinuturing na ng pamilya nila bilang kapamilya kaya’t ang mga ito ay nakakasama nila sa kanilang mga bakasyon sa ibang bansa katulad na lamang sa US, Bangkok, Paris, Japan, at Hongkong.




Ipinaliwanag din ng Mega Star kung bakit Yaya ang tawag nila sa lahat ng kanilang kasambahay,na ito ay nakasanayan na sa loob ng kanilang tahanan at minsan pa nga daw ay “ate” o “nana” ang tawag nila sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *