Mega Star Sharon Cuneta Muling Nagbigay Update Sa 3,000 Square Meter Lot Sa Bagong PinaPatayong Bahay

Muli ngang nagbigay pasilip si Mega Star Sharon Cuneta sa kanyang mga IG followers sa bagong bahay na kanyang ipinapagawa. Kung saan ay marami ang humanga at namangha, dahil sa talagang napakalaki at lawak ng tahanan na ito na kanyang ipinapagawa sa 3000 square meter lot.




Tunay ngang nakakalula ang bagong property na ito nina Mega, lalo pa’t nagmistula itong resort dahil maliban sa napakalaki at lawak nito, ay napapalibutan pa ito ng mga luntiang puno.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Sa isang video post nga ay ipinakita ni Mega, kung ano na ang hitsura ng bahay na kanyang ipinapagawa, at ibinahagi rin niya na inuuna muna ngang gawin ang kanilang family house.
“House construction update: Basement parking done. Ground floor being worked on now on the family house. They are now excavating and starting on the other half of the house, which is My wing”, ang naging caption ni ate Shawie.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Ibinida rin nga ni Mega, na halos kalahati sa ipinapatayo niyang bahay ay para sa kanyang studio, walk in closet at dressing room. Mayroon din umanong silid para sa kanyang mga libro.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

“Yes, i will have my own half of the home for my books, clothes, studio for my vlogs, maybe small recording studio, dressing room, etc. my “She-Cave”. So, inuna muna yung main house naminv pamilya. Connecting ang house ko na may basement so 3-storey siya dahil hindi pang parking ang basement ko.”

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Hiling pa niya, sana ay matapos agad ang bahay na kanyang ipinapagawa para naman makalipat na pati ang kanyang mga alagang aso, na magkakaroon nga rin ng sariling kwarto sa nasabing bahay at ito umano ay malapit sa may pool area.

Inamin naman ni Sharon, na kahit hilingin niya pa na mapabilis ang pagtatapos ng bahay, ay aabutin pa umano siguro ito ng 1 1/2 taon, dahil sa laki nito.mAyon pa sa batikang singer 2,300 sq.m ang floor area ng bahay na kanyang ipinapagawa, at hindi pa nga kasama dito ang pool area at dog house area niya.




Sinabi rin ni Mega, kung sino ang arkitekto niya sa mala-resort na laki niyang bahay at ito nga umano ay si Architect Conrad Onglao, ang partner sa buhay ngayon ng kaibigan niyang batikang singer na si Zsa Zsa Padilla.

Hindi naman napigilan ni Zsa Zsa na mapa-wow ng makita nga ang post ni Mega Star.
Karamihan naman sa mga naging reaksyon at komento sa post na ito ni Mega, ay ang aobrang laki nga umano ng property nito, at kung gaano na sila ka-excited ang magiging hitsura nito pagnatapos ang konstraksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *