Megan Young Nagpasalamat Sa Aeta Community Dahil Sa Pagbibigay Nila Ng Mga Prutas At Gulay Para Sa Mga Frontliners

Kilala ang mga Pinoy sa pagpapairal ng kaugalian na “Bayanihan” o pagtulong-tulungan ng mga tao lalo na kung may mga kalamidad sa ating bansa.

Photo Credit: meganbata/Instagram




At nito ngang nakaraan lamang ay muling umiiral ang “Bayanihan” sa puso ng bawat Pinoy, tulad na lamang ng isang indigenous group mula sa Subic na nagbigay ng mga sariwang prutas at gulay sa aktres/model na si Megan Young upang maisamma nito sa mga ibinigay nitong pagkain para sa ating mga masisipag at matatapang na Fronliners.

Photo Credit: meganbata/Instagram

Ang mga prutas at gulay na ito, ay isasamang sangkap sa pagkain lulutin para sa mga health workers ng Olongapo.

Photo Credit: meganbata/Instagram

Noong April 8, sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Megan Young ang kanyang buong pusong pagpapasalamat sa ibinigay na tulong ng mga Aetas ng Pastolan Village. Iminungkahi rin ng dating Miss World na bilhin ng mga tao ang mismong produktong tanim ng mga ito.

“The Aeta of Pastolan Village will be selling their produce at QRB Store along Binictican Road, Subic Bay Freeport Zone.” Saad ni Megan. “If you live in that area or nearby, we hope you can buy produce from them.”

Ibinahagi rin ni Megan ang ilang larawan kung saan makikita ang mga gulay at prutas na ibinigay ng mga Aetas para sa pagkaing ihahanda sa mga Health worker at makikita rin dito ang iba’t ibang produkto na itinitinda nila mula sa kanilang mga tanim tulad ng papaya, saba banana, cassava, avocado, taro at jackfruit.

Maliban pa nga sa pagbibigay ng makakain para sa mga Health worker, nagbigay din ng ilang Personal Protective Equipment (PPE) at safety mask sa hospitals sa Olongapo si Megan kabilang ang ilan niyang mga highschool batchmates sa kanilang pagkukusa sa #RSH3COVIDSUPPORTGROUP.

“We have a lots of friends that are doctors and nurses at this hospital,” saad ni Megan sa kanyang Twitter account nung April 4. “We saw an urgent need to bring our front liners these protective gear.”

Una ng nabigyan ng tulong na mga medical equipment ng team ni Megan ang Bataan General Hospital and Medical Center, Unihealth-Baypointe Hospital and Medical Center at ang James L. Gordon Memorial Hospital.

Nang sumunod na araw naman ay hinatiran naman ni Megan at kanyang mga batchmates ng mga PPE at masks ang Olongapo at Subic.

Makikita naman sa Twitter ni Megan ang kanyang post noong April 8, na inihahanda na ng kanyang team ang 2nd batch ng mga pamimigay nilang tulong para sa mga health workers.

Pinaabot rin ni Megan ang kanyang taos pusong pasasalamat para sa lahat ng mga nagbigay ng tulong o donasyon maliit man ito o malaki ay malaking bagay na umano ito upang makatulong.




“All this goes towards our goal which is helping to protect our front liners in the province.”, saad ng aktres.

Ang 2nd batch naman ng PPE at masks na ipamimigay ng team ni Megan ay mapupunta sa Limay, Bataan’s rural health unit, Mariveles Mental Health Center, San Marcelino Medical Center at Iba Provincial Health Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *