“Mel is Pregnant” Rocco Nacino At Melissa Gohing Masayang Masaya Na Magiging Daddy At Mommy Na Sila

Sobrang kaligayahan ang naidudulot ng isang sanggol sa buhay ng mag-asawa, kaya naman talagang hindi maitago ng mag-asawang Rocco Nacino at Mellisa Gohing ang kanilang labis na kasiyahan ng kanilang i-anunsyo sa publiko na sila ay magiging magulang na sa kanilang first baby.




Sa YouTube channel ng mag-asawang Rocco at Melissa ay nagbahagi nga ang mga ito ng panibagong vlog na may titulong “Life With the Nacino’s”. Sa vlog din nila na ito masayang ibinahagi nina Mellisa at Rocco sa kanilang mga tagasubaybay na sila nga ay malapit ng maging magulang dahil sa ipinagbubuntis na nga ni Mellisa ang magiging panganay nilang anak.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

“Mel is pregnant! Magiging daddy na ako at si Mel ay magiging isang mommy”, ang naging masayang anunsyo ni Rocco.Kitang-kita naman sa mukha ng 35-taong gulang na si Rocco ang kagalakan habang ibinabahagi nga na ang kanyang misis na si Mellisa ay nagdadalang-tao na. Kuwento pa ni Rocco, ilang buwan na din nilang sinusubukan na magka-baby, kaya naman laking tuwa at galak naman talaga nila ng sa wakas ay magpositibo na nga sa pagbubuntis si Mellisa.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

“It’s bunch of good news for us, super happy kami. We’ve been trying for months.”, ani Rocco.Samantala, ikinuwento naman ni Mellisa sa vlog din nila na ito ang kanyang naging pregnancy journey kung saan ayon nga sa kanya ay talagang ipinagdasal nila na mabiyayaan silang mag-asawa ng anak, lalo na nga ng malaman niya na siya ay mayroong PCOS o kung tawagin ay polycystic ovary syndrome o isang kalagayan na hindi nga siya nagiging fertile.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

“We’ve been praying for this for how many months kasi nagkaroon ako ng PCOS, which is the polycystic ovary syndrome, which means hindi ako nagiging fertile. Matagal na kami nagtatry for many months, hindi kami nakakabuo”, ani Melissa.
Saad pa ni Mellisa, naging malaking tulong din na mabuntis siya ang pag-inom niya ng medisina para siya nga ay maging fertile.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

“May tinake akong medicine para maging fertile ako, and yun, ito ‘yung resulta. So, for those who have PCOS as well, just consult your OB-Gyn, or just go your OB-Gyn and magpa-check kayo kung ano problema.”

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Ikinuwento rin ng aktor kung paano nila nalaman na si Mellisa nga ang positibo na sa pagbubuntis, at ito ay dahil nga sa mga naramdamang sintomas ng kanyang misis kagaya na lamang ng pagkahilo at pagiging magana nito sa pagkain. Pagbabahagi pa ni Melissa naging sensitibo din ang kanyang pang-amoy.

“Unang-una, nahihilo ako, tapos konting galaw lang, ‘Bat ako nahihilo?’ Tapos naging matakaw ako, parang I’ve been craving for food, ang dami kong kainain. Tapos ‘yung pang-amoy ko, parang nagche-change na rin.




“Sabi ko, ‘Uhm, maybe this is it.’ So, I’ve been testing, may mga tinest ako ‘yung normal na pregnancy test. Nag-start ako ng fourth day, before my yung schedule ng period ko, and mayroong faint line. But sometimes kasi, ‘yung faint line na ‘yun, parang false positive, so hindi pa ako masyadong nakukumpirmi non.

“So, the next day, e, marami naman akong biniling test, so sabi ko, ginamit ko na kasi ‘kung nabuntis ako, hindi ko na ito magagamit so sayang naman ‘di ba?”
Marami naman kaagad ang nagpaabot ng pagbati para sa mag-asawa sa magandang biyaya nga na ito na natanggap nila sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.