Melai Cantiveros Ibinahagi Kung Ano Ang Maaaring Maging Buhay Niya Ngayon Kung Hindi Nanalo Sa PBB

Isa si Melai Cantiveros-Francisco o kilala natin ngayon bilang si Momshie Melai ng “Magandang Buhay” sa mga komedyante at host na hinahangaan ng marami nating kababayan dahil sa kanyang natural na galing sa pagpapatawa.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Ang kanyang karera sa industriya sa telebisyon ay nagsimula noong siya ay nagwagi sa Pinoy Big Brother Double Up noong 2010 na kung saan ay magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang takbo ng magandang karera niyang ito.

 




Halos 10 taon o isang dekada na nga ang lumipas mula ng tanghaling Big Winner ng PBB Double Up Edition si Melai noong Pebrero taong 2010. Sa kanyang pagbabalik-tanaw ay naisip ng host/comedian na marahil kung siya ay hindi pinalad na nagwagi sa reality show na PBB ay ibang-iba umano ang buhay niya ngayon.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Sa isang press conference ng isang bagong produkto na inindorso ni Melai, ay ibinahagi nito na marahil kung hindi siya nagwagi ay isa lamang siyang full-time housewife ngayon at ang nakatuluyan at naging asawa niya siguro ay ang kanyang naging unang nobyo sa kanilang probinsya na isang mangingisda.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

“Tapos, kasi siya nangingisda. So ako, willing ako maging housewife, ganoon.” Ang naging pagpapatuloy pa na kwento ng host/comedian. Malaking blessings nga talaga para kay Momshie Melai ang naging pagpasok niya sa “Bahay ni Kuya” dahil maliban sa pagwawagi niya rito at pagbubukas sa kanya ng maraming oportunidad sa buhay ay dito rin niya natagpuan ang ‘True Love’ ng kanyang buhay.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Si Jason Francisco ang asawa ngayon ni Melai, ay nakilala at kasama niya sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’, dito rin nagsimula ang love team nila bilang Melason. Sa isang episode ng “The Buzz” kung saan ay si Melai at Jason ang panauhin, ibinahagi ng mag-asawa kung paanong nagsimula ang kanilang love story.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram




Ayon sa dalawa, matapos ang paglabas nila sa PBB House ay nauwi sa totohanan pagtitinginan ang kanilang loveteam. Marami man nga ang pagsubok na dumaan sa kanilang buhay mag-asawa, ay pinatunayan naman ng dalawa na ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa at kanilang pamilya ay matatag sapagkat hanggang ngayon ay nanatili pa rin silang magkasama sa buhay at nagmamahalan.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *