Melai Cantiveros Proud Sa Umuusbong Na Karera Sa Showbiz Ng Anak Na Si Mela

Hindi nga naman maitago ng Magandang Buhay host na si momshie Melai ang kanyang lubos na kasiyahan at pagiging proud sa kanyang panganay na anak na si Mela Francisco dahil sa pag-usbong ng karera nito sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram




Sa isang panayam kay Melai noong matapos ang press conference para sa kanyang bagong fast-food endorsement ay masayang ibinahagi nito ang pagiging proud mommy niya dahil sa mga bagong kaganapan sa karera ng kanyang panganay na anak na si Mela.
“Sobra din akong na-overwhelm kasi tumaas din yung mga followers niya sa Youtube. At pag nakikita nila sa daan, may nagpapicture kay ate Mela.” Ang natutuwang saad ni Melai.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Ibinahagi din ng proud mommy na may bagong show sa Youtube ang ABS-CBN na kung saan kasama si Ate Mela, at ito ay ang Pops Babies na kinabibilangan din ng ibang anak ng mga momshie hosts.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

“Ngayon, mayroon silang show kasama ang ibang anak ng mga momshies hosts, Pop Babies. Ang ABS-CBN ang gumawa ng show nay un sa Youtube, makikita rin sila sa Yey!” saad pa nga ni momshie Melai.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Noon pa man ay kinakitaan na ng kabibohan ng anim na taong gulang na anak ni Melai na si Mela sa mga vlogs nito at minsang pag guest nito sa show na Magandang Buhay kaya hindi nga katakataka na mapabilang ang bibong bata sa online show na Pop Babies.

Ibinahagi din ni Momshie Melai na tinuturuan niya si Mela sa mga dapat nitong gawin, katulad ng pag smile at ienjoy ang mga bagay na ginagawa niya. Para din sa kanya ay masaya siya sa mga kaganapan sa buhay ng anak na si Mela, at nagpapasalamat din siya sa Diyos sa mga biyaya na ito para sa karera ng anak.

“Tinuturuan ko siya na i-enjoy yung mga ganyan, mag smile siya, kasi sila ang dahilan kung bakit kakuwan –kasi very happy kami na bata pa lang siya nae-expose na siya sa ganito, yung iba nga nag 0-audition pa, so thank you Lord.”




Si Mela Francisco ay ang panganay na anak nina Melai at Jason na anim na taong gulang na ngayon, samantalang ang kanyang pangalawang anak naman ay mangta-tatlong taong gulang na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *