Melai Cantiveros Sinorpresa Ang Asawang Si Jason Francisco Ng Regaluhan Ito Ng Bagong Sasakyan

“Best gift ever, matagal na niyang pinapangarap ito”, ang naging saad ng ani Melai, ng i-abot sa asawa niyang si Jason ang susi ng bagong sasakyan na sorpresa at regalo niya para rito.
Sa wakas nga, ay naibigay na ng Tv host-comedian na si Melai Contiveros sa kanyang asawang si Jason Francisco, ang matagal na nitong pinapangarap na sasakyan.




Kamakailan nga lamang, ay ibinahagi ni Melai, sa kanyang latest vlog sa YouTube channel niya, kung paano ang ginawa niyang paglilihim, upang masorpresa ang asawa, sa kanyang bonggang-bonggang regalo para dito.

Image Credit via Google

Ang ginawa nga ni Melai, ay nagpahatid siya sa asawang si Jason sa clinic ni Dra. Vicki Belo, kung saan ay sinabi niya na may appointment siya sa nasabing klinika. Habang nasa byahe silang mag-asawa, ay tinanong niya si Jason, kung ano nga ba ang gusto nitong matanggap na Christmas gift mula sa kanya.

Image Credit via Google

“Small na aso, medium na aso, large na aso”, ang naging pabiro namang sagot ni Jason, na alam niyang hindi ibigay ni Melai, dahil sa takot ito sa aso.

Image Credit via Google

Pero idinagdag ni Jason, na isa talaga sa mga gusto niya ay ang makapag-travel silang muli mag-pamilya, at ito nga ay kung mabibigyan muli ng chance.

Image Credit via Google

Dagdag pa ni Jason, ay ayaw niya talaga na siya ang binibigyan ng regalo, mas gusto niya na siya ang nagbibigay, kaysa siya ang bigyan.

Image Credit via Google

“Gusto ko ako ang nagbibigay ng gift, ‘di ako ang bibigyan”, ani Jason. Matapos maihatid si Melai sa clinic ng Belo, ay agad na ngang umuwi si Jason sa kanilang bahay, kaya naman wala siyang kamalay-malay, na wala pala sa clinic ng Belo si Melai, at ang pinagka-abalahan nito, ay ang pagbili at pag-asikaso ng regalo nitong sasakyan para sa kanya.

Nang i-abot na ng ani Melai kay Jason ang susi ng regalo niya ritong bagong sasakyan, ay sinabi ng Tv host-comedian na ito talaga ang “best gift ever” ng asawa, dahil ito talaga ang “dream car” ni Jason.

“Grabe kong inilihim to. Ito talaga ang masasabi niyang ‘best gift ever’ dahil matagal niya itong pinangarap.

“At ang color nito ay the best for him. So I’m sure na magugustuhan niya ito”, saad ni Melai sa video, habang ipinapakita ang reaksyon ni Jason, ng i-abot niaya dito ang susi ng naturang sasakyan.

Ibinahagi naman ni Kapuso comedian, na natunugan na niya na may sorpresa sa kanya ang kanyang asawang si Melai, ngunit ikinagulat pa rin niya, ng i-park na sa harap ng kanilang bahay, ang isang bagong sasakyan.

Nang tanungin naman ni Melai si Jason, kung ano ang nararamdaman nito ngayong natanggap na nito ang pangarap nitong sasakyan, ay ito ang naging sagot ng kanyang asawa.

Video Credit: Melai Cantiveros/YouTube

“Wala akong masabi. Happy. Thank you”, ani Jason. “Kaya pala si Ate Lulu kunwari kinukuhanan ng video ‘yung daga. Kaya ako nagtataka bakit nakaharap sa akin ‘yung camera”, dagdag pa ngang saad ni Jason, na napansin na pala na nakatutok sa kanyang ang video ng kasama nilang si ate Lulu.




Pabiro namang sinabi ni Melai sa asawa, na babayaran nito ang sasakyan monthly.
“Kung akala mo lang, babayaran mo ‘yan monthly.”

Ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco ay 7-taon ng mag-asawa, at noong ngang nakaraang buwan lamang, ay masaya nilang ipinagdiwang ang ika-7 anibersaryo ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa pitong taong pagsasama nilang dalawa, ay nabiyayaan na rin sila ng dalawang anak na panay mga babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *