Melai Cantiveros Tuwang-Tuwa Sa Natanggap Na Best Birthday Gift Mula Kay Kristine Hermosa

Nitong nakaraan lamang ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Kapamilya actress at host ng “Magandang Buhay” show na si Momshie Melai Cantiveros – Francisco.




Sa kaarawang ito ni Melai ay hindi maitago ang kanyang kaligayahan dahil sa natanggap niya ng regalo na itinuturing niyang pinaka best birthday gift sa kanya noong kanyang kaarawan.

Masaya at proud na ibinahagi ni Momshie Melai sa kanyang instagram account ang isang video greeting na mula sa kanyang pinag iniidolong artista noon pa man, at ito ay walang iba kundi ang napakagandang si Kristine Hermosa.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Ayon kay Melai, ang loveteam nina Jericho at Kristine ay talagang isa sa mga iniidolo niya noon.

Mapapanood sa video na ito ni Kristine ang kanyang lubos na pagbati sa kaarawan ni Momshie Melai, at nagbigay din ang dating aktres ng kanyang wishes at prayer para rito at ilan sa mga ito ay ang good health ni Melai at sa pamilya nito at ang pagpapanatili nito ng pagiging isang mabuting ina sa kanyang mga anak at asawa para sa kanyang katuwang sa buhay.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Hindi rin naman nawala sa kahilingan ni Kristine para sa birthday ni Melai ang maging maayos na ang lahat at matapos na ang krisis na pinagdadaanan nating lahat ngayon upang nakabalik na sa normal ang ating mga pamumuhay.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Makikita rin sa video na ito ang wala pa ring ka kupas-kupas na ganda ni Kristine Hermosa na talaga namang inidolo ng maraming kababaihan at isa na nga roon si Momshie Melai.
Narito naman ang naging Caption ni Melai sa Video Greetings na ipinadala sa kanya ng kanyang iniidolong si Kristine Hermosa.

“Kaya itu ang Best Birthday ever kasi ever since Idol ko from the very start na sobra is Ms. Kristine Hermosa @khsotto at Jericho Rosales @jerichorosalesofficial.




Isa din sa mga dahilan bakit gusto ko mag-artista kasi gusto ko makita ( Indeed Dreams do come true )(Salamat @paulinelunasotto super super to make it possible at kay Tita Lee)

@ppl_lizacostales na super saya ko ng nakita ko heart to heart na usapan ang feeling ko. Thank you so much Ms. Kristine Hermosa sa iyong message I love it I will always treasure this video greetings forever. Pourdanesh Ang pretty talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *