Mensahe Ni Jodi Sta. Maria Para Sa Mga Single “Hindi Sumpa Ang Pagiging Single”

Hindi nga lingid sa kaalaman natin na ang sikat na aktres na si Jodi Sta. Maria ay isang single mom kaya’t pagdating sa pakikipagrelasyon at pagpasok sa bagong pag-ibig ay maingat ang aktres dahil hindi lamang pansariling kaligayahan ang kailangan niyang isa-alang-alang kundi mas higit ang nararamdaman at opinyon ng kanyang anak.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram




Ayon sa ABS-CBN aktres kapag may taong nagpapahiwatig sa kanya ng pag-ibig ay agaran niya itong ipinakilala sa kanyang anak na si Thirdy, bago pa man siya mag desisyon kung pinahihintulutan ba niyang manligaw ang mga ito o ano pa man.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Ayon pa sa actress-producer pinakikinggan niya ang bawat opinyon ng kanyang anak na si Thirdy pagdating sa mga ganitong usapin na may nagkakainteres manligaw sa kanya.
“My son is 14 years old. Meron na siyang utak na sarili niya and I value his opinion talaga. Sobrang may say talaga siya.” Ang mensahe ng aktres.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Ibinahagi rin ng aktres kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya at hindi pa nag-aasawa o pumapasok muli sa panibagong relasyon. “Siguro kasi, dahil ngayon I have a son….When you make decisions in life parang you always have to think twice na e,.”

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

“Syempre yung isang desisyon para sa sarili mo. And then iyong desisyon naman na gagawin mo is, kailangan mo isipin kung paano ito nakakaapekto sa anak mo. Kasi, kumbaga, hindi na lang ikaw yan eh,. I know that in everything na gagawin ko, alam kong meron Thuurdy na naapektuhan.’

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

So, I think I just to be more discerning and wise pagdating sa mga bagay na iyon”.
Para nga naman kay Jodi, ay kapakanan muna ng kanyang anak ang una niyang laging iniisip sa uwing siya ay gagawa ng desisyon sa kanyang buhay.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Kaya’t kung sakali man na siya ay papasok sa panibagong pag-ibig o relasyon ay una-una una niyang iiisipin bilang isang ina kung makakabuti ba iyon sa kanyang anak bago ang kalagayan niya.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Para rin sa aktres-producer base sa kanyang mga sariling experience sa buhay ay masaya at mas ok ang pagiging single, at sana ganoon rin ang nararamdaman ng iba pang single-mom na tulad niya.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Hindi rin umano isang sumpa ang hindi pagkakaroon ng karelasyon o pananatiling single. Narito ang pahayag ni Jodi; “There is nothing wrong about being single mom, being a single woman. You can still be your own person, your own individual”.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

“You can still do all things na kailangan mo gawin kahit na single ka. Hindi siya curse, hindi siya taboo na kapag wala kang partner in life.” Wala nga namang masama sa pagiging single,lalo na kung ikaw ay isang single-mom na mas iniisip ang ikabubuti ng iyong anak kesa sa pagpasok sa relasyon na walang kasiguraduhan kung magiging maayos ba ang buhay ng iyong anak halimbawa ng ikaw at ang inyong relasyon ay magkakatuluyan.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram




Sa mga single na naman hindi masama ang pagiging single, dahil sa panahon ngayon na nagkalat sa ating mundo ang mga taong mapagsamantala sa damdamin ng iba ay kailangan mo nga talagang ingatan ang iyong puso upang hindi ka masaktan at matutong mag-antay sa tamang tao na darating sa iyong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *