Meryll Soriano Masayang Ipinakita Ang Larawan Ni Maricel Soriano At Baby Boy Nila Ni Joem Bascon

Matatandaan na pagpasok ng Bagong Taong 2021, ay ginulat ng aktres na si Meryll Soriano ang kanyang mga tagahanga ng i-anunsyo niya sa publiko na sila ng aktor na si Joem Bascon ay mayroon ng anak, ay ito nga ay isang malusog na baby boy.




Ayon nga sa mga naging ulat, noon pang nakaraang taon ng isinilang ni Meryll, ang anak nil ani Joem, ngunit mula nga ibahagi sa publiko ng aktres, ang pagkakaroon nila ng anak ng aktor, ay hindi pa nito ipinapakita ng malapitan o harapan ang mukha ng kanilang baby boy.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Madalas ngang makikita sa mga larawan na ibinabahagi noon ni Meryll, kung saan ay kasama niya ang kanyang baby boy, ay madalas itong naka-side view o di kaya naman ay natatakpan ang hitsura nito.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Samantala, noon ngang Ika-5 ng Marso, araw ng Biyernes sa unang pagkakataon ay ipinasilip na ng showbiz couple na sina Meryll at Joem ng mas malapitan sa publiko ang napaka-cute at charming nilang baby boy, sa pamamagitan nga ng pagbabahagi ng isang larawan nito sa Instagram kung saan ay malinaw na ngang maaaninag ang mukha ng kanilang baby.

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Ang nasabing larawan ay may caption na, “ Goodmorning goodmorning Milk-u Monster!”
Una ngang ipinasilip ni Meryll ang kanyang baby boy, noong ‘New Years Eve’, kung saan ay nagbahagi siya ng isang ‘’family photo” nila sa kanyang social media account. Makikita sa nasabing family photo,

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

na kasama niya ang anak na niyang si Elijah Palanca (anak ni Meryll sa dating asawa na si Bernard Palanca), si Joem Bascon (ang karelasyon ngayon ni Meryll), at ang kanyang sanggol na anak (anak nil ani Joem).

Photo Credit: planetumeboshi/Instagram

Ito rin ang naging kumpirmasyon ni Meryll ng pagbabalikan nila ng dating nobyong si Joem Bascon, kung saan nga ay sa ikalawang pagkakataon ng kanilang pagmamahalan ay nagbunga na ito ng isang sanggol, na mas magpapatibay pa nga sa kanilang relasyon.

Sa kabila naman ng pagpapakita na ni Meryll ng malapitan ng hitsura ng baby boy nila ni Joem, ay hindi pa naman nito isinasapubliko ang iba pang mga detalye tungkol sa kanilang baby, kagaya na lamang ng pangalan nito, o kung kailan ito eksaksyong isinilang.

Sina Meryll Soriano at Joem Bascon, ay dati ng magkarelasyon at halos isang dekada ring nagkahiwalay bago nga sila muling nagkabalikan. Taong 2019, ng muli silang magkalapit dalawa, kung saan nga ay nagkasama sila sa pelikulang ‘Culion’,




na tila nga siyang naging daan upang muling mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan. Ngayon nga ay makikita sa mga larawan nina Joem at Merrill, kasama ang kanilang baby, na masaya sila sa naging desisyon nila na muling magbalikan, at pinatunayan nga nila na “Love is sweeter the second time around.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *