Mga Atletang Pinoy Na Nakasungkit Ng Gintong Medalya Sa 30th SEA Games Makakatanggap Umano Ng Malaking Halaga

PSC Commissioners – tinatayang aabot sa P600,000 ang matatanggap ng mga atletang Pinoy na makakasungkit ng gold medal sa 30th SEA Games Hindi nga lang Php 300,000 halaga ng salapi ang maiuuwi ng mga atletang Pilipino na mananalo ng gold medal sa 30th SEA Games.

Image Credit Via Google




Dahil ayon sa naging pahayag ng komisyoner ng PHilippine Sports Commission (PSC) na si G. Ramon Fernandez sa isang media interview, ay ang bawat atletang PInoy na makakapanalo ng Gold Medal sa SEA Games ay makakatanggap ng kabuuang Php 600,000 halaga ng salapi.

Sa nasabing pahayag ni G. Fernandez, ang naunang Php 300,000 na matatanggap ng mga atletang mananalo ng gintong medalya ay manggaling sa PSC, ito ay batay na rin sa isinasaad na “Athletes Incentives Act” ng SEA Games.

Image Credit Via Google

 

Ang karagdagang Php 300,000 naman ay ibibigay ng Philippine Olympic Committee para sa mga PInoy Athlete gold medalist.

Hindi pa nga raw ito ang kabuuan ng maaaring maiuwing salapi ng mga gold medalist athlete, dahil may balita rin umano na ang ating Pangulong Rodrigo Duterte ay may ipagkakaloob din na karagdagang incentive para sa mga atletang Pinoy na mananalo ng gold medal.

Image Credit Via Google

Samantala ang ibang atleta naman na mayroong silver at bronze medal ay magkakaroon din ng incentive. Ang silver medalist ay makakatanggap ng Php 150,000 halaga ng salapi, at ang bronze medalist naman ay Php 60,000 halaga ng salapi, ito ay batay sa mga opisyal ng 30th SEA Games.

Patuloy pa rin nga ang pakikipaglaban ng ating mga atletang Pinoy upang maipanalo ang kanilang laro laban sa ibang bansa at manalo ng gold medal. Ayon naman sa kasalukuyang ulat, nakakarami na ang ating bansa ng gold medal sa naganap na 30th SEA Games.

Sa inilabas na listahan ng SEA Games, ay makikita na ang Pilipinas ay mayroon ng 54 medalyang ginto, 37 silver medal at 19 bronze medal. Ang ating bansa nga ay mayroon ng 110 kabuuang medalya sa naganap na 30th SEA Games dito sa ating bansa.




Ar dahil hindi pa tapos ang SEA Games siguradong madadagdagan pa ang mga medalyang iyan, dahil patuloy ang pakikipag bakbakan ng ating mga atletang Pinoy na makasungkit ng gintong medalya sa nasabing palaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *