Mga Bida Ng “Super Inggo” Noon Bilang Jomar At Budong Mga Binata Na Ngayon

Natatandaan niyo pa ba ang kauna-unahang 100% Filipino Animated stories na “Super Inggo”? Inere ito ng ABS-CBN taong 2009 kung saan ay bumida rito ang mga bata pa lamang noon na sina Makisig Morales, Jairus Aquino at Kathryn Bernardo.




Ang seryeng ito ay kwento ng isang simpleng batang lalaki na nagngangalang Budong (ginampanan ni Makisig Morales), kung saan ay mayroon siyang sikretong kapangyarihan at nagiging isang superhero bilang si Super Inggo. Isa rin sa mga ikinatutuwa ng mga kabataan dito noon ay ang superhero team dito, na tinawag na Super Tropa ni Super Inggo.

Image Credit via Google

Halos ilang taon nga ang lumipas mula ng inere ang Super Inggo, kaya naman ang mga batang bumida rito noon ay masasabi nating ganap ng mga binata at dalaga ngayon at may kanya-kanyang pangalan na rin sa indurstiya ng showbiz.

Image Credit via Google

Nawala naman pansamantala si Makisig Morales sa showbiz, kaya naman ilang taon rin natin siyang hindi napanood sa telebisyon. Ayon nga sa isang Online Trends, nanirahan si Makisig sa ibang bansa at nagtrabaho ito bilang isang service crew sa Australia.

Image Credit via Google

Ngunit, may isang post si Makisig sa kanyang Instagram na kung saan ay kasama niya ang dating Super Inggo co-star niya na si Jairus Aquino.Nagpapahiwatig nga ba ito, na muli ng magbabalik telebisyon ang dating batang aktor na si Makisig Morales?

Image Credit via Google

Muli ngang nagkita sina Makisig Morales at Jairus Aquino, matapos ang ilang taong pagkawala sa telebisyon ni Makisig, ayon nga ito sa ulat ng Lion Heart TV.

Image Credit via Google

Sa isang drama fantasy serye ng ABS-CBN na “Bagani”, muling napanood sa telebisyon si Makisig ng siya ay gumanap dito bilang Dumakulem (Taga-Gubat) kung saan nakasama niya rito sina Enrique Gil ay Liza Soberano.

Samantala, hindi naman napigilan ng ilang mga netizens ang mamangha at magbigay ng kani-kanilang mga reaksyon ng makita na ang mga batang iniidolo nila noon sa “Super Inggo” ay mga nag-gagwapuhanh mga binata na ngayon.




Narito nga ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizens: “Blentungan na!Pinapanood pa rin namin ng mga pamangkin ko yung Super Inggo sa Yey every weekdays… hahaha it’s nice to see you again together.

Super Inggo/Pareng Budong at Pareng Jomar “Anong meron @makisigmorales2? Pinatugtog ko tuloy yung “nakasimangot ka na lang palagi” Miss ko tandem niyo ni Pareng Jomar.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *