Mga Celebrity At Ang Kanilang Mga Magagarbo At Naggagandahang Christmas Tree

Ilang araw na nga lamang ay ipagdiriwang na naman nating lahat ang araw ng Kapaskuhan. Kaya naman marami sa atin ang mas nagiging abala, sa mga dapat ihanda sa tuwing nalalapit ang araw na ito,




katulad na lamang nga ng pagkakabit ng dekorasyong pang-Pasko sa ating mga tahanan, o di kaya naman pagbabalot ng mga Aguinaldo na ipamamahagi natin sa ating mga mahal sa buhay.

Ngayon nga ay marami na tayong nakikita sa bawat mga tahanan ng mga bagay na sumisimbolo sa araw ng Pasko, katulad na lamang n parol, mga Christmas lights, mga santa claus, at siyempre mga iba’t ibang uri ng Christmas tree.

Samantala, narito naman ang mga nag-gagandahang mga Christmas tree ng ating mga hinahangaang mga celebrity ngayong Pasko 2020.

Vic Sotto at Pauleen Luna

Image Credit via Google

Isang malaki at makulay na Christmas tree ang makikita sa tahanan nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ang Christmas tree na ito ng pamilya nina Vic at Pauleen, ay mapapansin sa Eat Bulaga araw-araw, lalo na kung kayo ay nanonood ng Bawal Judgemental segment na iniho-host ni Vic Sotto, habang siya ay nasa tahanan nila.

Connie Sison

Image Credit via Google

Pagpasok pa lamang ng “Ber Months”, ay nagsimula ng magkabit ng mga pamaskong dekorasyon ang Tv host at news anchor na si Connie Sison sa kanyang tahanan. Buwan pa lamang ng Setyembre, ay itinayo n ani Connie ang kanilang mataas na Christmas tree, na ang dekorasyon ay puno ng poinsettia.

Aubrey Miles at Troy Montero

Image Credit via Google

White at brown ornaments naman ang naging tema ng Christmas tree ng mag-asawang Abubrey Miles at Troy Montero sa loob ng kanilang tahanan.

Camille Prats

Image Credit via Google

One-of-a-kind Christmas tree naman ang makikita sa tahanan ng “Mars Pa More” host na si Camille Prats, dahil ang mga inilagay niyang dekorasyon dito ay mga painted masks, red hearts, at ribbon na may print na polka dots.

Joey De Leon

Image Credit via Google

Ipinakita naman ng ‘Eat Bulaga’ dabarkad na si Joey De Leon sa isa niyang larawan ang kanilang fresh Christmas tree, na ayon dito ay nagmula pa sa The Netherlands.

Karla Estrada

Image Credit via Google

Malaki at magarbong Chhristmas tree na puno ng mga pink ornaments naman ang makikita sa tahanan ng Tv host-actress na si Karla Estrada.

The Pacquiao Family

Image Credit via Google

Ibinahagi naman ng asawa ni Manny Pacquiao, na si Jinky Pacquiao ang napakagandang Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan. At ito ay talaga namang napakaganda dahil ang mga dekorasyon nito ay mga nag-gagandahang bulaklak at mga flamingos.

Dawn Zulueta

Image Credit via Google

Festive Christmas tree naman ang makikitang sa tahanan nina Dawn Zulueta, dahil ang dekorasyon ng kanilang Christmas tree ay mga customized ornaments na may pangalan pa nga ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Team Kramer

Image Credit via Google

Naitayo na rin ng pamilya Kramer ang kanilang napakalaking Christmas tree, at ito ay punong puno ng mga red, gold at white ornaments na dekorasyon.




Sila ay ilan lamang nga sa mga Filipino celebrity na mayroong magagandang Christmas tree sa kanilang tahanan, na kung saan ay talagang damage dama na ng kanilang pamilya ang papalapit na araw ng Pasko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *