Mga Drawing Ni Scarlet Snow Belo Ibenebenta Upang Makapag-Ipon Ng Pera Para Makatulong Sa Filipino Scientist

Si Scarlet Snow Belo ay ang kaisa-isang anak nina Dra. Vicky Belo at kanyang asawa na Hayden Kho.




Ang kanyang ina na si Dra. Vicky Belo, ay kilala bilang isang sikat na dermatologist na may mabuting puso at taong matulungin. Sa katunayan ay may isang foundation na tinulungan si Dra. Vicky Belo.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

At tulad ng kanyang ina, ay tila namana ni Scarlet ang pagiging matulungin nito. Sapagkat’ sa kanyang murang edad ay nakakaisip na ito ng mga paraan kung paano siya makakatulong sa ibang tao.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Nitong nakaraan lamang, April 14 ng mag-upload si Scarlet ng kanyang mga artworks. Ayon sa kanya ay ginawa niya ang mga artworks niyang ito sa isang live art session, at ngayon ay nais niyang ang iba sa kanyang mga gawa ay i-auction upang makapag-ipon ng pondo/pera para makatulong sa mga Filipino Scientist na gumagawa ng mga testing-kits dahil sa banta ng pandemic na Covid-19.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Ang ilan sa a-alalay kay Scarlet sa gagawin niyang Auction ay ang kanyang grupo at ang older half-brother niya na si Quark Henares.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

“The money that will be raised will go on the Philippine scientists at Philippine Genome Center and Research Institute of Tropical Medicine,” saad ng batang Belo. “They’re trying to make tests kits and they need our help”, dagdag na nito.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Sinabi naman ni Scarlet para sa mga nais mag-bidding sa kanyang artworks ay ikomento lang ito sa kanyang post, at ang kuya niya na si Quark Henares ang naka-assign sa pag monitor nito.

Photo Credit: scarletsnowbelo/Instagram

Maliban sa ginawang ito na Fundraising ni Scarlet Snow Belo na makakatulong sa mga Filipino scientist, ang kanyang ina naman na si Dra. Vicki Belo at ang buong team ng Belo Medical Group ay tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng kanilang tulong sa mga frontliners sa pamamagitan ng pamamahagi ng 1000 pack of meals a day, na sinimulan pa nila noong March 24.




Patunay lamang ito na kahit ikaw ay bata pa, maaari kang makatulong in a simple way para sa ibang tao na nangangailangan. Muli na naman nga tayong pinahanga ng batang si Scarlet Snow Belo, sa fund-raising na ito na kanyang ginagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *