Mga Kabataang Pinoy Panalo Sa 2019 Asia Sudoku Championship

Kakaiba talaga ang mga Pinoy dahil binubuo tayo ng iba’t-ibang klase ng mga tao. Marami sa atin ang magaling sa iba’t-ibang larangan. May mga pambato tayo sa halos lahat ng larangan. Marami na rin sa ating mga kababayan ang nag-uwi ng karangalan para sa bansang Pilipinas. Isa dito ay si Manny Pacquiao na naging matagumpay sa larangan ng boksing. Inuwi naman ni Catriona Gray ang korona ng Miss Universe 2018.




Pero alam niyo bang nitong nakaraan lamang ay may mga grupo na naman ng kabataang Pinoy na nag-uwi ng karangalan sa ating bansa? Nag-uwi ang Pilipinas ng 45 medalya sa katatapos lamang na 2019 Asia Soduko Championship na ginanap noong Enero 25 hanggang 28 sa Clark, Pampanga.

Nagkamit sina Vicente Raphael Chan at Alex Pius Machacon ng gintong medalya sa kompetisyon. Samantala, narito naman ang mga kabataang nakakuha ng pilak na medalya:

1. Candice Renee Solidarios 2. Kaye Janelle yao 3. Jirah Sargado 4. Marc Kendrick Lim
5. Janelle Aleisonne Navarro 6. Phylline Cristel Calubayan 7. Red Robles 8. Matthew Kenzie Rasines 9. Princess Ashley Anzures 10. Matt Ezekiel Baston 11. Jean Kathleen Samonte

Samantala, narito ang mga kabataang nagkamit ng tansong medalya:

1. Ralph Joshua Sarrosa 2. Vicente Raphael Chan 3. Alec Pius Machacon 4. Kristen Dominique Chan 5. Eiane Erwhel Santos 6. Bernadette Concepcion 7. Daphne Buo
8. Billy Joe Nicolas 9. Fa Shailyn Saladaga 10. Empress Jayrielle Umipig 11. Jirah Sargado
12. Margaret Ellyse Dela Cruz 13. Hanne Margaret Tongcua 14. Ehrell Dane Alfonso 15. IO Aristotle Nikolai Calica 16. Reysheil Anne Doromal 17. Alessandra Holaysan 18. Kyla Andrea Adlaon 19. Rayner Gabrielle Alcantara 20. Angela Mae Gabriel 21. Kristine Joy Gabata 22. Gwan Kathleen Roco 23. Rheizal Salvador 24. Hailey Leanne Chu 25. Princess Bhella Fernandez

Nanguna naman ang Tsina sa kompetisyon dahil uuwi sila ng mayroong 16 na gintong medalya, 13 na pilak at 17 na tanso. Sinundan ito ng bansang India.
Patunay lamang ito na kayang-kayang makipagsabayan ng mga Pilipino pagdating sa iba’t-ibang larangan laban sa ibang malalaking mga bansa!
Mabuhay kayo, kabataang Pinoy1




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *