Mga Kasambahay Ng Team Kramer May Tag-Iisang Kwarto At May Sariling Sala

Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay. Pero syempre, bago natin ito maabot, kinakailangan nating mag-ipon ng malaki at magtrabaho o mag-negosyo. Lalo na kung ikaw ay may sarili nang pamilya, talagang kinakailangan mo nang maayos na kita at tirahan upang mabuhay mo sila.


Photo Credit: @dougkramer @chekakramer on Instagram




Pero syempre, hindi rin biro ang maging isang magulang lalo pa’t kinakailangan mong magpalaki ng iyong anak. Paano na lamang kung pareho kayong busy sa trabaho ng iyong asawa? Sino na lamang ang mag-aasikaso at mag-aalaga sa inyong mga anak at pagpapanatili ng kalinisan ng inyong bahay?


Photo Credit: @dougkramer @chekakramer on Instagram

Dito na papasok ang mga bayaning hindi natin masyadong nabibigyan ng halaga: ang ating mga kasambahay. Habang tayo ay abala sa ating trabaho o mga negosyo, sila ang nagsisilbing magulang sa ating mga anak. Binibigyan nila ang ating mga anak ng tamang pag-aaruga katulad ng nais natin para sa kanila at kung ang iba pa nga’y dinidisiplina na parang kanilang sarili na. Malamang ay marami sa atin ang lumaki sa piling ng ating mga yaya at hindi na rin iba ang turing natin sa kanila.


Photo Credit: @dougkramer @chekakramer on Instagram

Ito ang pakiramdam ng Team Kramer para sa kanilang mga kasambahay. Bagama’t mga kasambahay sila, ninais pa rin ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer na bigyan ng maayos na akomodasyon ang kanilang mga kasambahay. Sa katunayan, may tag-iisang kwarto ang kanilang mga kasambahay sa bago nilang pagawang mansiyon.

Sinorpresa ng mag-asawang Doug at Cheska ang kanilang apat na kasambahay ng bigyan nila sila ng tig-sa sariling kwarto. Ayon pa kay Doug, hindi niya daw talaga kinalimutan na lagyan ng sariling kwarto ang kanilang mga kasambahay. Sa katunayan, maliban pa rito, may sarili silang sala para makapanood sila o makapag bonding.

Biniro pa nga ni Doug ang kanilang mga kasambahay na sosyal raw ito dahil may sarili raw silang mga sala. Isa lamang itong patunay na dapat pinapahalagahan natin ang ating mga kasambahay dahil kung wala sila, wala rin tayong ginhawa na matatanggap. Hindi rin biro ang sakripisyo na ginagawa nila para lamang matulungan tayo.

video credit: @dougkramer @chekakramer on Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *