Mga Kasambahay Ng Team Kramer May Tig Iisang Kwarto At Sariling Sala

Ang ating mga kasambahay ay maituturing na natin na parte ng ating pamilya, dahil sila ay inaasahan natin sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating pamumuhay. Ang mga kasambahay din natin ang tumatayong pangalawang magulang ng ating mga anak sa ating tahanan, sila ang nag-aaruga sa ating mga anak tuwing ang iba sa atin ay nasa trabaho at busy sa paghahanap-buhay.

Photo Credit: chekakramer/Instagram




Marami nga sa atin ang lumaki at nagka-isip na ang kasama sa bahay ay isang yaya o kasambahay kaya sila ay talagang napamahal na sa atin at inituring na nating parte ng ating pamilya. Isa na dito ang Pamilya Team Kramer na ang turing sa kanyang kasambahay ay isa na sa kanilang mga kapamilya.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Hindi na nga iba ang turing ng mag-asawang Cheska at Doug sa kanilang mga kasambahay, bilang pasasalamat sa mga ito sa pag-aalaga sa kanilang mga anak at pag-aasikaso sa kanilang pamilya ay ninais ng mag-asawa na mas maging maayos at kumportable ang mga ito kaya’t sa bagong tahanan ng Team Kramer ay talagang pinasadya nila na magkaroon ng tig-isang silid-tulugan ang kanilang mga kasambahay.

Photo Credit: chekakramer/Instagram

Sinorpresa ng Team Kramer ang kanilang apat na kasambahay ng ipakita nila sa mga ito ang kanilang mga magiging silid sa bagong tahanan ng pamilya Kramer. Ayon pa kay Doug, nung iniisip palang nila ang magiging disenyo ng kanilang tahanan ay hindi niya nakalimutan na bigyan ng sarili nilang mga kwarto ang kanilang mga kasambahay.

Maliban pa nga sa tig-isang silid, ay mayroon ding sariling sala ang kanilang mga kasambahay kung saan ang mga ito ay maaaring magpahinga, mag relax, magkwentuhan at magbonding tuwing wala silang masyadong ginagawa.

Nagawa ng biruin ni Doug ang kanyang mga kasambahay na sosyal ang mga ito dahil meron silang sariling sala. Labis-labis ang naging saya ng mga kasambahay ng Team Kramer ng masilayan ang kanilang mga silid at ang pagkakaroon nila ng kanilang sariling sala at talagang nagpapasalamat sila sa pamilya Kramer sa pagturing sa kanila bilang isa sa mga parte ng pamilya nito.




Muli nga namang pinatunayan ng mag-asawang Cheska at Doug na kahit pa nga kasambahay ay dapat nating ituring ang mga ito ng maayos at pahalagahan na parang parte ng ating pamilya, sapagka’t kung wala sila sa ating tahanan ay hindi magiging madali para sa atin ang pagsabayin ang trabaho, gawaing bahay at pag-aalaga ng ating mga anak.
Kahanga-hanga nga naman talaga ang kabutihan at pagpapahalaga ng Team Kramer sa kanilang mga kasambahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *