Mga Katangian Na Mayroon Si Daniel Padilla Bilang Isang ‘Ideal Boyfriend’

Sino ba naman ang hindi hahanga sa aktor na si Daniel Padilla? Maliban sa taglay niyang panlabas na anyo, na talaga namang napaka-gwapo at talentado, ay napakarami pa niyang mga katangian na maipagmamalaki niya.

Kagaya na nga lamang ng pagiging isa niyang ideal boyfriend sa kanyang kasintahan na si Kathryn Bernardo. Narito nga ang sampung pruweba kung bakit itinuturing na isang ‘ideal boyfriend’ ang napakagwapong aktor na si Daniel Padilla.




1. Tunay na Gentleman

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Sa tuwing magkasama ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay talaga namang mapapansin kung gaano ka-gentleman si Daniel, lalo na’t parang ‘mala-personal asssistant’ ito kung umalalay sa kanyang kasintahang si Kath.

2. May Isang Salita

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Madalas na sinasabi ni Daniel kung gaano niya kamahal ang kanyang nobyang aktres na si Kathryn Bernardo, at maliban sa kanyang salita ay talaga namang makikita rin sa gawa ng aktor ang pagmamahal na iniuukol niya kay Kath.

3. Isang Family Man

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Hindi lang sa kanyang sariling pamilya malapit si Daniel, dahil maging sa pamilya ng kasintahan niyang si Kathryn ay malapit din ang binata. Ipinaramdam niya sa pamilya ni Kath na pamilya niya na rin ito. si Daniel ay malapit sa mga kapatid ni Kath, ganun din sa mga magulang ng aktres.

4. Mapagmahal sa Kanilang mga Alaga

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Ang magkasintahang Daniel at Kathryn ay matatawag na mga paw-rent dahil sa marami silang mga alagang hayop, at kitang-kita naman ang pagiging maalaga ni Daniel sa mga ito.

5. Madalas Niyang Kuhaan ng Larawan si Kathryn

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Tunay ngang very proud si Daniel sa kasintahan niyang si Kathryn, at suportado nito ang kasintahan sa lahat ng bagay, maging sa mga pagpapa-picture nito. Sa ilang posts nga ng ina ni Kath, ay mapapansin na si Daniel ang kumukuha ng mga larawan ng aktres.

6. Frontliner

Sa pagdating ng krisis sa ating bansa, ay talaga namang marami sa atin ang hindi nakapaghanda. Ayon naman kay Kath, dito niya mas lalong nakita ang pagmamahal ni Daniel sa kanyang buong pamilya, dahil noong maglockdown ay ang nobyo nga niyang si Daniel ang namili ng mga kailangan nila ng kanyang pamilya.

7. Buong-buo kung Magmahal

Buong-buo na minahal ni Daniel si Kathryn, kung saan maging ang mga insecurities ng dalaga ay minahal at tinanggap nito kagaya na nga lamang ng “sakang legs” ng aktres. Ayon nga mismo kay Kath, si Daniel ang naging dahilan para ma-overcome niya ang insecurities niyang ito sa kanyang mga legs.

8. Magaling Magsorpesa

Talaga namang todo effort kung magbigay sorpresa si Daniel kay Kathryn, at makikita nga sa mga naging sorpresa niya sa dalaga na ito ay pinag-isipan at talagang kanyang pinaghahandaan dahil sa mga kakaiba nga niyang istilo ng sorpresa.




9. Number One Fan

Minsan ng nabanggit ni Kathryn na sa lahat ng kanyang success ay laging nakasuporta sa kanyang si Daniel, kaya naman ang success niya ay success nilang magkasintahan.

10. May Plano Para sa Hinaharap

Sa kabila ng wala pa namang plano ang magkasintahan na mag-settle down o i-next level na ang kanilang relasyon, ay ilang beses ng sinabi ni Daniel na si Kathryn na ang nais niyang makasama habang buhay, at lahat ng mga ginagawa niya ngayon na pagsusumikap ay para sa magandang kinabukasan nila sa hinaharap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *