Mga Larawan Ng Nakababatang Kapatid ni Lovi Poe na si Mariel Tung Agaw-Pansin Ngayon Sa Social Media

Napukaw ang atensyon ng mga netizens ng nakababatang kapatid ni Lovi Poe, na si Yela Tung, ito ay matapos lumabas sa social media ang mga larawan ng dalaga na nagpapakita ng natural nitong ganda at taglay na karisma.



Si Lovi Poe, ay isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz, ito ay dahil sa angking galing niya sa pag-arte. Maliban pa sa pagiging isang magaling na aktres, ay itinuturing rin si Lovi Poe, na isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.
Image Credit via Google
Kilala rin si Lovie, bilang anak ng yumaong “The King “ Fernando Poe Jr.,. kaya naman hindi na talaga kataka-taka na pang artistahin talaga ang angking itsura niya.
Image Credit via Google
Hindi nga lamang si Lovi Poe ang nagpapatunay na nasa dugo na talaga ng nga ‘Poe’ ang pagiging maganda, dahil maging ang nakababatang kapatid nito, na si Mariel Tung o mas kilala sa kanyang social media account na si Yela Tung, ay ipinakita rin ang taglay nitong ganda.
Image Credit via Google
Sa kabila ng pagiging isang mommy na ni Yela sa kanyang anak na si Frankie , ay hindi pa rin maikakaila na napakaganda pa rin nito, at tila walang anak dahil sa taglay na hubog pa rin ng katawan nito na talaga namang seksing seksi pa rin.
Image Credit via Google
Ilan naman sa mga hilig gawin ni Yela ay ang pagbabad sa beach, katulad ni Lovie. Mahilig rin siya sa pag-aalaga ng aso.
Image Credit via Google
Mapapansin rin ang pagkahililg ng dalaga sa pagsusuot ng swimwear kapag siya ay nasa beach, kung saan ay nagpapakita pa lalo ng kanyang kaseksihan at maging ng ilang mga tattoo niya sa kanyang katawan.
Image Credit via Google
Marami nga ang nagsasabi na, sa taglay nitong ganda at alindog ay maaari nitong sabayan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Lovie sa pag-aartista, ngunit tila wala naman sa plano ni Yela ang pumasok sa showbiz.



Makikita naman sa mga larawan nina Yela at Lovie sa kanilang mga Instagram account ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, kung saan ay talagang masasabi natin na hindi lang sila magkakapatid kundi mag bestfriend pa.
Ayon naman sa Instagram page ni Yela, ay tumutulong ito sa pagsulong ng awareness on mental health, cancer at educational rights. Ano ang masasabi niyo kay Yela Tung? Tunay nga ba na na dugo ng lahi nila ang pang-artistahin looks?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *