Mga Larawan Ni Gloria Romero Noong Bata Pa Hinangaan Ng Mga Netizens

Ipinanganak noong Disyembre 13 taong 1933 sa Denver, Colorado sa United States si Gloria Gella o mas kilala natin bilang isa sa mga batikang aktres na si Gloria Romero. Anim na Dekada o 60-taon ng namamayagpag ang kanyang karera sa industriya ng showbiz, at sa tagal nito ay talaga namang ipinakita niya ang kanyang husay at dedikasyon bilang isang artista.

Image Credit via Google




Ang ina ni Gloria Romero ay isang Amerikana na si Marry Borrego samantalang isang Pinoy naman mula sa Pangasinan ang kanyang ama na si Pedro Galla. Sa bansang Amerika man isinilang si Gloria, dito naman siya pinalaki at pinag-aral ng kanyang mga magulang sa Pilipinas. Sa bayan ng Pangasinan nakatira noon ang pamilya ng beteranong aktres at dito din siya nagtapos ng kanyang elementarya at high school.

Image Credit via Google

Sa kanyang kabataan ay marami na ang nakakapansin sa angking ganda na taglay ni Gloria, kaya’t hindi maiiwasan na marami ang nagsasabi sa kanya noon na maaari siyang maging isang modelo o artista.

Image Credit via Google

Sa edad na 19-taong gulang ng unang sumabak bilang extra sa isang pelikula noon na “Ang Bahay sa Lumang Galod” sa ilalim ng Premiere Productions. Lumipat naman siya sa Sampaguita Pictures, kung saan nagtatrabaho bilang Chief Editor ang kanyang tiyuhin na si Mario Rosales.

Image Credit via Google

Dito na nga pumasok ang sunod-sunod na proyekto para sa aktres na si Gloria,isa sa proyektong kasama siya ay ang Madame X noong 1952 na kung saan ay gumanap siya bilang anak nina Alicia Vergel at Cesar Ramirez. Kasabay rin nito ay kinuha niya ang kanyang kauna-unahang lead role sa pelikulang Monghita at binigyan dito na siya nagsimula makilala bilang si Gloria Romero.

Image Credit via Google

Dahil sa ipinamalas na angking galing at dedikasyon sa pagtatrabaho bilang isang aktres, sa kanyang ikalawang taon sa industriya ay nagawaran agad siya ng parangal ng FAMAS (Filipino Academy of Motion Arts and Sciences) bilang “Best Actress” noong 1954 dahil sa naging pangarap niya sa pelikulang Dalagang Ilocana.

Sa mahigit 60 na taon nga sa industriya ng showbiz ay hindi na mabilang ang mga parangal na natanggap ng beteranong actress. Siya din ang tinaguriang noon na “Queen of All Filipino Movies” dahil halos lahat ng role bilang artista ay kanyang nagawa.

Ang buhay pag-ibig naman ni Gloria Romero ay para ring isang kwento sa pelikula. Siya ay ikinasal noong Setyembre 24 taong 1960 sa isang sikat na aktor din noon n si Juancho Gutierrez. Sila ay ikinasal sa Santuario De San Antonio sa Forbes, Makati na kung saan ay tinawag ito noon na “Wedding of the Year”.

Silang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak na babae na pinangalanan nilang si Maritess. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi naging maayos kaya’t nauwi ito sa hiwalayan ngunit nagkasama naman silang muli ng mastroke si Juancho at tinanggao siyang muli ng aktres.




Inalagaan ni Gloria ang kanyang asawa hanggang sa sumakabilang buhay ito noong 2015.
Ngayon ay patuloy pa rin nating napapanood si Gloria Romero sa “Daig kayo ng Lola Ko” sa GMA Network na kung saan ay nakikita at hahangaan pa rin sa kanya ang kanyang magandang mukha ang galing sa pag-arte kahit pa nga ba ito ay may edad na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *