Mga Larawan Nina Ellen Adarna At Derek Ramsay Na Masayang Magkasama Pinag-Uusapan Ngayon Sa Social Media

Mula sa isang dinner party, kung saan magkasama sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, nakunan ang mga larawan ng dalawa na masaya at tila sobrang kumportable sa isa’t isa, ang ngayon ay pinag-uusapan ng marami sa social media.




Tanong ng marami? May bago nga bang namumuong magandang pagtitinginan sa dalawang showbiz personality na ito?

Image Credit via Google

Isa nga sa mga nagtanong nito ay ang follower’s ng aktres na si Ellen Adarna, matapos ngang kumalat online ang mga larawan nila na kitang-kita na tilasobrang kumportable nila sa isa’t isa ni Derek Ramsay.

Image Credit via Google

Ang larawan na ito ng dalawa ay lumabas at kumalat online, nito lamang Lunes ng gabi, ika-11 ng Enero 2021, kung saan ayon sa ilang mga ulat, nagmula ang mga ito sa mga photo’s at video’s na ini-upload ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

Image Credit via Google

Base din sa iba pang ulat, ay maraming magkakasama ang nasabing grupo na kinabilangan ng tatlong celebrity, na kung saan ay kasama din umano sa nasabing grupo na ito, ang aktor na si John Estrada, ang co-star ngayon ni Ellen Adarna sa sitcom na kanyang ginagawa.

Image Credit via Google

Samantala, isa nga sa mga larawan sa Instagram stories na ibinahagi ni Ruffa, ay makikitang magkakatitigan sina Ellen at Derek, ngunit ito ay nilakipan ni Ruffa ng caption na “Walang malisya”.

Image Credit via Google

Isa pa nga sa mga naka-agaw pansin sa lahat, ay ang larawan kung saan ay kasama naman ni Ellen ang ama ni Derek, na tila malapit ito sa ama ng aktor, dahil sa posing niya nan aka-beso dito. “Close na sila”, ito naman ang caption na inilagay ni Ruffa, sa larawang ito.

Image Credit via Google

Sa video clips naman na ini-upload ni Ruffa sa kanyang IG stories, ay maririnig naman ang kanyang ginagawang panunukso sa dalawa.

Isang selfie video naman ang ini-upload ni Ruffa kasama niya ang aktres na si Ellen Adarna, kung saan maririnig ang naging palitan nilang dalawa ng salitang “I love you”, bago pa nga muling magsalita si Ellen muli ng nasabing salita, na para naman sa isang taong hindi naman ipinakita sa video.

Ang nakaka-intriga pa talagang video nina Derek at Ellen sa nasabing dinner party, ay ng magsayaw at kumanta ang dalawa, at tila kapansin-pansin ang pag-initiate ng aktor na halikan ang aktres.

Sa naging pagbabahagi ngang ito ni Ruffa Gutierrez ng mga larawan nina Ellen at Derek, ay tila simula na din ito ng pagsasapubliko ng dalawa ng mas lumalalim na pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa.




Marami ang nakakabatod sa atin na parehong “single” sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Sila ay parehong mula sa mga relasyon na naging kotrobersyal ang hiwalayan.

Si Ellen Adarna ay dating karelasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz, kung saan ay nagkaroon siya ng anak dito, at ito nga ay si Elias Modesto, samantalang si Derek Ramsay naman, ay kahihiwalay lamang sa dating karelasyon nitong aktres na si Andrea Torres, noong buwan ng Nobyembre 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *