Mga Magagandang Larawan Ni Julia Barretto Kinagiliwan Ng Mga Netizens

Kung ang pag-uusapan ay ang pagiging isang mahusay at magandang aktres sa industriya ng showbiz, ay nabibilang nga riyan ay ang aktres na si Julia Barretto. Tunay na kahanga-hanga ang angking kagandahan ni Julia kaya naman marami ring ang pumapantasya sa kanya.




Sa kagandahang taglay ng aktres ay hindi na nga nakapagtataka na isa sa mga gwapong aktor sa industriya ng showbiz ang nabihag niya ang puso, at ito nga ay walang iba kundi ang gwapong aktor na si Gerald Anderson.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Samantala, sa latest Instagram post ng aktres ay makikita ang kanyang gorgeous looks matapos nga niyang dumalo sa kasal ng kaibigan niyang sina Patrick Sgui at Aerial Garcia. Tila naman labis na nabigahani sa looks na ito ni Julia ang boyfriend niyang si Gerald at napakomento pa nga ng ‘Mine’, na agaran ding sinagot ni Julia ng ‘Yours.’

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Mapapasana-all ka naman talaga sa ka-sweetan ng magkasintahan. Kahit nga napakaraming kontrobesiya ang kinasangkutan ng relasyon nina Julia at Gerald lalo na ng sila ay nagsisimula pa lamang dalawa, ay unti-unti naman nilang pinapatunayan sa marami ang pagmamahal nila sa isa’t isa, kung saan hanggang sa ngayon ay nanatili ngang matatag ang relasyon nilang dalawa bilang magkasintahan.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Makikita nga sa mga social media updates ni Julia na ang buhay niya ngayon ay punong-puno ng kasiyahan. Sa pinakabagong update nga ng aktres ay ibinahagi niya ang farming moments niya, kung saan sa kabila ng napaka-simple niyang kasuotan ay kapuri-puri pa rin ang taglay niyang kagandahan.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

“My Day 1 minute [heart emoji] Sharing the beautiful afternoon we had at the Vineyard”, saad ng aktres sa isa niyang post.
Dagdag pa niya, “Pick out some grapes this afternoon. I love trying out new things for the first time and finding so much joy in the simplest thing [grapes emoji] Amother first is happening pn Friday”.

Photo Credit: juliabarretto/Instagram

Bumuhos naman ang napakaraming papuri para sa aktres sa kagandahan niya na tila nga mas lalo pang lumutang sa scenery na ito. Narito nga ang ilan sa kanilang mga komento.
“Maganda talaga siya lalo sa personal. .. kahit marami siyang haters.. atlis siya maraming naitulong sa mama niya.”




“Not a hater of Julia actually okay siya sa akin as actress pero bakit dati denial pa sila.”
“Ganda talaga.. Sana magtagal sila ni Gerald.” “Sana ol oh… Wala na issue yan kaya masaya na allout ang ngiti oh.”

Sa kasalukuyan nga ay puno ng kasiyahan ang buhay ni Julia Barretto, hindi lamang pagdating sa kanyang buhay pag-ibig kundi maging sa kanyang pamilya kaya naman hindi kataka-taka na mas lalo pa ngang nagiging blooming ang kagandahan ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published.