Mga Nakakatuwang Prenup Photoshoot Ng Mag-Asawa Sa Cebu Kinagiliwan Ng Mga Netizens

Sa panahon ngayon ay marami ang nauuso na pakulo bago ganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Nandiyan ang may mga bridal party, o di kaya naman ay ang pagkakaroon ng engagement party. Ngunit ang pinakanauuso nga ngayon at halos ginagawa na ng maraming magkasintahan bago ang kanilang kasal ay ang magkaroon ng tinatawag na prenup photoshoot.




Ang prenup photoshoot ay ginagawa ng magkasintahan bago ang kanilang pag-iisang dibdib, ito ay dumedepende sa kung ano ang gusto nilang tema. May mga magkasintahan na talagang gumagastos para sa kanilang prenup photoshoot, ngunit mayroon din naman na ilan na nakakagawa ng paraan na hindi gumastos ng malaki sa kanilang prenup pero ito ay napapaganda at nagagawang memorable para sa kanilang dalawa.

IMage Credit via Google

Halimbawa na nga lamang nito ang ang magkasintahan na mula sa Cebu na sina Chayne at Warren Cortes na sa kasalukuyan ay nakatira nga sa Lapu-Lapu city. Bago nga ang kanilang pagpapakasal na dalawa ay nagkaroon sila ng prenup photoshoot, kung saan dahil sa kanilang kakaiba at nakakaaliw na tema ay agad itong nag-viral sa social media.

IMage Credit via Google

Naging kakaiba nga ang tema ng prenup photo shoot nina Chayne at Warren dahil imbis nga na ito ay glamorosong pictorial na dapat sila ay nakasuot ng gown o suit, ay simple lamang nga ang kanilang mga kasuotan. Simple lamang kasi ang naging tema nila sa kanilang prenup at ito nga ay ang mga bagay-bagay na kanilang pinagdaanan sa loob ng 16-taon nilang pagsasama.

IMage Credit via Google

Ibinida nga ng dalawa sa kanilang nakakaaliw na prenup photoshoot ang konsepto ng makakatotohanang buhay ng mag-asawa na nangyayari nga sa loob ng tahanan, kagaya na nga lamang nito ay ang magkatuwang nilang pinagtutulungan ang mga gawaing bahay tulad na lamang ng pagluluto, paghuhugas ng plato, paglilinis at maging ang paglalaba.

IMage Credit via Google

Mas naging memorable pa nga para kana Chayne at Warren ang prenup nila na ito dahil kasama nila sa ilang mga larawan ang kanilang mga anak at maging ang alaga nilang aso. Sa ilang mga larawan nga ay makikita kung paano sila masayang nagsasalo sa hapagkainan bilang isang pamilya habang masayang nagkukulitan.

IMage Credit via Google




Ayon kay Chayne mas gusto nila ni Warren na ‘true to life’ ang prenup photoshoot nila para nga mas natural lamang din ang maging dating nito.
Dahil nga sa makatotohanang tema na ito ng buhay mag-asawa na prenup photoshoot nina Chayne at Warren ay kaagad nga itong umani ng iba’t ibang mga reaksyon mula sa mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.