Mga Netizens Bumilib Muli Sa Taglay Na Kagandahan Ni Maymay Entrata Ng Ibida Nito Mga Larawan Sa Isang Magazine

Muling pinamangha ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata ang mga netizens ng kanyang taglay na ganda ng ibida niya sa kanyang Instagram account ang kanyang tatlong makukulay at nag gagandahang mga larawan na kinunan nga para sa cover ng April issue ng isang magazine.




Ang una ngang larawan na ibinahagi ni Maymay ay may makikitang salita na “color your world”, kung saan ito umano ay sumasalamin sa ikalimang taon niya sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: maymay/Instagram

Kalakip ng larawan ay ang caption niya kung saan ay kanyang inilahad na ngayon ay ang kinakailangan niya sa kanyang buhay ay mga taong tanggap ang kanyang buong pagkatao, at natutunan nga rin niyang tanggapin na hindi lahat ng tao ay kanyang mapapasaya.

Photo Credit: maymay/Instagram

“In her 5th year in the industry, #MaymayEntrata picks up the brush and creates a new art piece that reflects the new Maymay: “I accepted na hindi lahat ng tap mapapasaya ko. The only ones I really need ay ‘yung mga taong tanggang ang buong pagkatao ko.”

Photo Credit: maymay/Instagram

Dagdag pa niya, ngayon ay mas handa na siyang bigyan ng kulay ang buhay niya sa paraan na gusto niya dahil sa mas confident at independent na siya. “Faith-driven, confident and independent, Maymay is ready to color her own world in her own terms.”

Photo Credit: maymay/Instagram

Makikita naman sa ikalawang larawan na ibinahagi ni Maymay ang mensaheng, “Love and compassion can be the catalyst to creation. For #MaymayEntrata, gaining self-love and a renewed passion for her craft created an environment that allowed her to flourish in all things she does.”

Photo Credit: maymay/Instagram

Ayon nga kay Maymay ay mahalaga ang pagmamahal sa sarili, dahil ito ang nagbunga ng maganda sa lahat ng kanyang ginawa. Samantala, kapansin-pansin naman sa ikatlong larawan ni Maymay na pinatingkad nito ang kanyang pagmomodelo na isa nga sa mga hinahangaan sa kanya. Caption ng larawan na ito ay;

Photo Credit: maymay/Instagram

“Philippine fashion soars into new heights as we put the focus on five design talents. @maraxchua’s powerfully feminine pieces, @rusellvtv’s punk alien-like headpieces, @jessanmacatangay’s fashion-forward suiting, @jangarciadesigns cultural neons and @jobdacons whimsical creations are the spotlight of our last cover story.”




“Together with #MaymayEntrata’s modelling prowess, these designers are raring to express their art pieces to the world”, caption nga ni Maymay. Sa tagumpay nga na tinatamsa ngayon ni Maymay ay masasabi natin na talagang maipagmamalaki natin ang mga talentong Pilipino,

dahil katulad nga ng aktres at modelong si Maymay ay handang handa nang makipagsabayan ang mga Pinoy sa ibang bansa lalo pa’t hinasa na nga siya ng kanyang mga natutunan sa limang taon niya sa industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *