Mga Netizens Hiangaan Ang Napaka Simpleng Maternity Photoshoot Ng Mag Asawang Neri Naig At Chito Miranda

Kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day ay ang naging pag-anunsyo din ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda na sila ay magkakaroon na muli ng isang sanggil sa kanilang pamilya. Ilang linggo nga lamang matapos nito,




ay ibinahagi naman ng ‘wais na misis’ na si Neri Naig sa kanyang social media ang Maternity photoshoot niya, kung saan ay kasama niya ang asawa niyang si Chito Miranda, ang bokalista ng bandang “Parokya ni Edgar.”

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Sa Instagram account ni Neri ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng masayang larawan nila ng kanyang pamilya. Ang maternity photoshoot nga umano niyang ito ay kinunan sa pagmamay-ari nilang farm mag-asawa.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Ibinida ni Neri sa mga larawan ang kanyang baby bump, habang siya’y nakasuot ng simpleng bistida. At kalakip ng mga larawan ay ang kanyang naging caption na nagsasabi na ang kanyang ipinagbubuntis ngayon ay nasa second trimester na.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

“Second trimester. Picture picture sa Miranda’s Farm”, ang naging caption ni Neri.
Mapapansin din sa ibang mga larawan ni Neri na kasama niya ang kanilang apat na taong gulang na panganay na anak na si Miggy. At ayon nga sa wais na misis ay excited na ito na maging isang ‘kuya’ sa kanyang bunsong kapatid.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Kitang-kita rin naman ang pagiging blooming ni Neri. Sa iba pa ngang malarawan ay kasama naman niya ang asawa niyang si Chito, kung saan ay makikita nga kung gaano sila ka-excited mag-asawa sa pagdating ng kanilang ikalawang anak.

“Yung ngumiti din si Kuya, Ngiting ngiti na yan”, ang naging caption ni Neri sa solo photo nila ng asawang si Chito. Ang mga magagandang larawan nga na ito ng maternity photoshoot ni Neri Naig at kanyang pamilya ay kinunan ng sikat na photography company, ang Nice Print Photography.

Kinaaliwan din ng mga netizens ang ibinahaging larawan ni Neri, kung saan ay makikita namn ang pinagsamang larawan nila ni Chito nung panahon na ipinagbubuntis niya ang panganay nilang anak, at ngayon na ang magiging bunso naman nila ang kanyang ipinagbubuntis.

Napansin naman ng maraming mga netizens ang pagiging blooming ni Neri, kaya naman hula ng ilan ay babae ang ipinagbubuntis ng celebrity-business mom.




Ngunit kamakailan nga lamang ay isang video ang inilabas ng mag-asawa kung saan ay nagkaroon sila ng simpleng gender reveal, at ang lumabas nga na magiging baby nila ay baby boy muli. Dahil dito ay bumuhos ang maraming ‘congratulatory message’ para sa mag-asawa.

Ibinahagi na rin ng mag-asawa kung ano ang napusuan nilang ipapangalan nila sa kanilang ikalawang anak, at ang kanila ngang padating na baby boy ay papangalanan nilang Manuel ‘Cash’ Alfonso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *