Mga Netizens Hinahangaan Ang Taglay Na Kagwapuhan At Angking Husay Sa Musika Ng Dating Child Actor

Maraming mga batang aktor at aktres noong dekada 90 ang ngayon ay patuloy pa rin nating nakikita na aktibo sa mundo ng pag-aarista, ngunit sa kabila nito ay may ilan naman sa kanila na iba na ang pinliling karera, sa kagustuhan nilang sundin ang talagang nais nila at hasain pa ang talentong tinataglay.




Halimbawa na lamang nito ang sikat na child actor noong dekada 90 na si Tom Taus, na mas nakilala nga ng publiko ng gampanan niya an pagiging si Cedie sa palabas noon na ‘Cedie, Ang Munting Prinsipe’. Maliban sa pagiging kilala bilang isang batang aktor noon, ay kilala din si Tom bilang ang nakababatang kapatid ng dating actress-singer na si Antoinette Taus.

Image Credit via Google

Dahil nga sa angking husay ni Tom sa pagiging isang batang aktor ay namayagpag ang kanyang karera sa mundo ng showbiz, kung saan ilan pa ngang malalaking proyekto ang kanyang kinabilangan tulad na lamang ng Batang Z, Ang TV, Ang Titser Kong Pogi, at ang Anak ng Bulakan.

Image Credit via Google

Ngunit tila nga iba ang tunay na hilig ni Tom, dahil sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan sa pagiging isang aktor, ay mas pinili nga niyang sundin ang tunay niyang nais at ito ay ang musika. Sa kasalukuyan nga ay hindi na aktibo sa kanyang acting career si Tom Taus, ngunit mas nakilala naman at hinahangaan siya ng marami ngayon bilang isang International DJ at Electronic Drummer sa Los Angeles. Ito nga ay matapos na mag-migrate ng kanyang pamilya sa nasabing bansa noong siya ay labing tatlong taong gulang pa lamang.

Image Credit via Google

At dahil nga sa taglay na talento at hilig ni Tom sa musika, ay hindi na nga nakapagtataka na nakagawa siya ng kanyang sariling pangalan sa nasabing larangan. Sa katunayan, minsan na siyang naitampok sa “Best of the Region” sa South East Asia at naimbitahan din na magtanghal sa ilang mga festival tulad na lamang ng ULTRA Japan noong 2015/2018, Ultra Korea noong 2016/2019 at Road to Ultra Philippines noon namang taong 2015/2016.

Image Credit via Google

Ayon din sa mga lumabas na ulat, nagkaroon din ng pagkakataon si Tom na makasama sa pagtatanghal ang ilan sa mga sikat at popular na DJ’s sa iba’t ibang panig ng mundo, kagaya na lamang nina Alesso, Avicii, Hardwell at marami pa ngang iba.




Sa ngayon nga ay 35-taong gulang na ang dating child actor na si Tom Taus, at tila nga talagang wala ng makakapigil pa sa kanya na tuparin ang kanyang pangarap. Kahit naman ilang taon na rin ang lumipas mula sa kabataan ng aktor, ay kapansin-pansin pa rin naman ang kanyang taglay na kagwapuhan kaya naman hanggang ngayon ay kinakikiligan pa rin siya ng marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *