Isang dalaga ang naging agaw-pansin, ito ay dahil sa kanyang kakaibang taglay na kagandahan sa kabila ng kanyang kundisyon. Patunay ang dalagang ito na posible talagang magkaroon ng naiibang ganda ang isang indibidwal, at ito nga ang makikita natin ngayon sa isang dalagitang Albino.
Sa kabila ng kakaibang kundisyon ng dalagita, ang kanyang larawan ay nakatawag pansin sa photographer na si Amina Arsakova. Sinikap ni Amina na makita ang dalagia dahil sa nakita ay ang larawan nito na nagpakita ng natatangi nga nitong ganda.

Hindi naman nabigo si Amina Arsakova mahanap ang dalagita, dahil sa naging pagtityaga niya ay nakuha niya ang ‘contact number’ ng nanay nito, at napag-alaman nga niya na ang dalagita ay nagngangalang Amina Ependievan nae dad 11-taong gulang.

Napag-alaman din niya sa naging pakikipag-usap niya sa ina ng dalagita, na may dalawang genetic condition pala ang anak nito, kaya naman iba si Ependieva sa ibang kaedaran nito. Ang dalawang genetic condition na mayroon si Ependieva, dahilan upang maging kakaiba siya ay tinatawag na albinism at heterochromatin.

Ang albinism ay ang kakulangan sa produksyon ng melanin, kung saan ay makikita nga sa balat ni Ependieva na halos ga-nyebe na ang kulay ng kanyang balat. Kapansin-pansin din ang pagkakaiba ng kulay ng iris ng dalagita, kung saan ang mga ito nga ay isang kulay asul at isang kulay brown, na ang dahilan naman ay ang pagkakaroon niya ng kundisyon na kung tawagin ay heterochromatin.

Samantala, kahit naman may ganitong uri ng kundisyon si Ependieva, ang kanyang taglay na ganda, at ito nga ang ibinida ni Amina Arsakova ng i-photoshoot niya ang dalagita.
Masasabi namang naging matagumpay ang photoshoot na ginawa kay Ependieva, at sa walong kuha nga ng larawan sa dalagita ay agad na umani ito ng maraming paghanga mula sa mga netizens dahil sa kanyang taglay na kakaibang ganda.

Mas kapansin-pansin nga sa mga larawan ng dalagita ang kanyang mga mata, na sa kabila ng kaibahan nito ay tila naman sa bawat pagtingin mo dito ay parang may koneksyon na humihila para iti’y tignan mol ang ng husto.
Patunay lamang naman ang kagandahan ni Ependieva na hindi nangangahulugan ng pagiging pangit o di kaaya-aya ang pagiging kakaiba ng isang indibidwal, dahil may pagkakataon nga na ang pagiging iba nito sa karamihan ang nagpapakita ng kanyang mas maipagmamalaking kagandahan.