Mga Netizens Humanga Kay Awra Briguela Dahil Pinagtapos Ang Ama Sa Kolehiyo

Madalas na ang nakikita natin sa mga “inspiring stories” na ating nabasa o narinig, ay ang naging pagtatapos ng anak, dahil sa tulong at kasipagan ng kanilang mga magulang. Ngunit ngayon ay ang nakaka-proud na pagtatapos ng isang magulang sa kolehiyo dahil sa tulong ng kanyang anak, ang aking hinahangaan.




At ito ay walang iba kundi ang nakakamanghang pagtulong at suporta na ibinigay ng batang artista na si Awra sa kanyang ama, hanggang sa ito’y makapagtapos sa kolehiyo.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Masayang-masaya at buong pagmamahal na ibinahagi ng child star na si McNeal Awra Briguela ang naging pagtatapos ng kanyang ama na si Oneal Brian sa kolehiyo. Ayon kay Awra, talagang nakakaproud, dahil sa nakapagtapos ang kanyang ama dahil sa determinasyon nito, at sa naging suporta niya at ng buong pamilya nila rito.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Sa Instagram account ni Awra, ay kanyang ibinahagi ang mga larawan ng naging pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang ama, at kalakip nito ay ang kanyang caption na paglalahad kung gaano siya ke-proud bilang anak sa naging pagkatapos nito.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

“Congrats Papa! So proud of you!! Sabi nga nila it’s better than late, than never.”
“Kaming lahat ng anak mo, sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you papa!!! Congrats ulet!”, ang naging caption ni Awra sa mga larawan ng naging pagtatapos ng kanyang ama.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

Sa kabilang banda naman, makikita sa Instagram page ng beteranong comedian-actor na si Ogie Diaz, isa sa mga kaibigan ni Awra sa showbiz, na ibinahagi rin nito ang larawan ni Awra at ama nito na nagtapos sa kolehiyo, kalakip ay ang congratulatory message niya para kay Awra, dahil sa ginawa nitong pagtulong sa ama, upang makapagtapos sa kolehiyo.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram

“Karaniwan ng kwento na ang mga magulang ay nakapagtapos ng anak sa kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsyano), dahil nakapagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo”, ang naging saad ng ni Ogie.

Photo Credit: awrabriguela/Instagram




“Congrats, Awra!!! At ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kan inspirasyon”, dagdag pa ni Ogie. Samantala, matatandaan naman na taong 2017, ng sabihin ng ama ni Awra na si Oneal Briguerra, na ang kanyang anak nga, ang sumusuporta sa kanyang pag-aaral upang makapagtapos siya ng kolehiyo.

“Parang siya na po ang nagpapaaral sa akin. Baliktad na.” ang naging saad nga nito.
Si McNeal Awra Briguela o mas kilala ng marami bilang si Awra, ay mas kilala at hinangaan ng publiko sa kanyang naging karakter na Makmak sa Primetime serye na “ FPJ, Ang Probinsyano”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *