Mga Netizens Humanga Sa Dedikasyon Ni Pauleen Luna Para Maibalik Ang Fit At Magandang Hubog Ng Katawan

Isa sa mga celebrity mom na naging pursigido na maibalik ang kanyang magandang hubog ng pangangatawan ay ang celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto. Kamakailan nga lamang ng maging usap-usapan ng mga netizens si Pauleen sa social media, ito nga ay dahil sa kanyang pagiging fit at fabulous celebrity mom.




Madalas ngang nagbabahagi si Pauleen sa kanyang Instagram account ng mga larawan niya kung saan ay makikita ang naging magandang resulta ng naging ‘fitness journey’ niya, at ang mga larawan nga niyang ito ay umaani ng mga papuri at paghanga mula sa mga netizens.

Photo Credit via Instagram

“How to be you po?”, ito ang kadalasan na nagiging komento ng mga netizens sa mga larawan niya. Sa panahon nga ng krisis sa ating bansa, ay maraming mga oportunidad ang nawala at hindi natin nagawa, ngunit sa kabila nito, mas pinili nga ni Pauleen na gamitin ang kanyang bakanteng oras sa pagpapalakas at pagpapalusog ng kanyang pangangatawan, kagaya na nga lamang ng ginawa niyang pagwo-workout.

Photo Credit via Instagram

Kahit nasa loob nga lamang ng bahay sa panahon ng krisis, ay sinigurado ni Pauleen na nagagawa niya pa ring maging fit at healty, upang ang kanyang kalusugan ay hindi niya mapabayaan.

Photo Credit via Instagram

“Let’s all stay helathy everyone! Find time for yourself because selfcare is important”, ang naging caption ni Pauleen sa kanyang ibinahaging video sa kanyang IG kung saan siya nga ay makikitang nag-eehersisyo.

Photo Credit via Instagram

Matatandaang noong buwan ng Enero, ng ibahagi ni Pauleen kung paano niyang napagtanto ang kahalagahan ng pangangalaga ng kanyang pangangatawan, lalo na nga’t sa kagaya niyang may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS). Ang kanya ngang kundisyon ang naging inspirasyon niya upang magpatuloy sa kanyang ginagawang Fitness journey.

Photo Credit via Instagram

Makalipas nga lamang ng ilang buwan, matapos simulant ni Pauleen ang kanyang pagwo-workout ay agad ng kinakitaan ng resulta sa kanyang pangangatawan, kung saan sa kanya ngang IG ay nagbahagi siya ng kanyang larawan na walang bahid ng aumang filter.

Photo Credit via Instagram

Noon namang ika-20 ng Abril ng magbahagi si Pauleen ng kanyang Instagram ang kanyang mirror shot, at dito nga ay makikita ang napakaganda ng hubog ng kanyang pangangatawan na agad namang umani ng mga papuri sa mga netizens.




Tuwing nag-a-update nga si Pauleen ng resulta ng kanyang naging determinasyon sa fitness journey niya, ay hind inga napipigilan ng kanyang mga fans at maging mga kapwa celebrity a mapakomento ng papuri sa napakaganda ng hubog ng kanyang katawan. Mas lalo pa ngang pinuri ang magandang hubog ng pangangatawan ni Pauleen, nito lamang nakaraan, ng magbakasyon silang magpamilya, at ibida nga niya ang napakaganda at seksi niyang katawan sa in-upload niyang ‘bikini photo’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *