Mga Netizens Humanga Sa Kagandahan Ni Lyca Gairanod Ngayon Dalaga Na

Hindi na isang musmos na bata, kundi dalaga na ang mahusay na mang-aawit na si Lyca Gairanod. Kapag naririnig nga naman natin ang pangalan na Lyca Gairanod, ang agad na pumapasok sa ating isipan ay ang musmos na bata na bumirit noon at nagwagi sa bilang kampyon sa unang batch ng The Voice Kids Philippines.




Matatandaan na bago nagwagi si Lyca sa The Voice Kids Philippines, ay nag-viral muna siya sa social media, kung saan habang siya nga ay nangangalakal ay kinakanta niya ang mga awitin ng Aegis ng pagkahusay at talagang birit kung birit. At dahil sa naging pag-viral niya, ay dito na siya nadiskubre at nabigyan ng pagkakataon na maging kalahik ng The Voice Kids Ph.

Photo Credit via Instagram

Samantala, hindi naman natin namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Dahil ang musmos na batang si Lyca na hinahangaan natin dahil sa kanyang magandang tinig, ay dalaga na nga, at hindi na nga lamang ang kanyang tinig ang hinahangaan ngayon, kundi ang kanyang kagandahang taglay.

Photo Credit via Instagram

Ngayon ay 17-taong gulang na si Lyca, at masisilayan nga na sa kanyang pagdadalaga ay talaga namang lumitaw ang kanyang itinatagong kagandahan na ngayon ay hinahangaan ng maraming netizens.

Photo Credit via Instagram

Kung ang tumatak nga sa mga netizens noon ay ang batang Lyca na gusgusin dahil sa kanyang pangangalakal, ngayon naman ay masisilayan na ang isang Lyca na dalaga na at napakaganda pa.

Photo Credit via Instagram

Dahil sa isa ngang teenager na may likas na ganda, ay may mga nanliligaw na kay Lyca, ngunit ayon nga sa kanya, wala pa sa isip niya ang pakikipag-relasyon, dahil mas nais niyang bigyan ng pokus ang kanyang karera at pag-aaral.

Photo Credit via Instagram

Sa edad na 17 ni Lyca ay marami na siyang naipundar at nagawang kabutihan sa kanyang kapwa. Isa nga sa kanyang naipundar ay ang kanyang bagong sasakyan na kamakailan lamang niya binili. Pagba-vlog ang kinaabalahan ngayon ni Lyca, at ito nga rin ang dahilan para siya ay makapagpundar ng sasakyan.




Si Lyca Gairanod ay isang mang-aawit na sumikat at nakilala ng siya ay maging kapeon sa unang season ng The Voice Kids Philippines. Siya ay ipinanganak noong ika-21 ng Nobyembre taong 2004, at siya nga ay lumaki sa isang pamilyang salat sa buhay, kaya naman ang kahirapan ang kanyang naging inspirasyon na magkaroon ng magandang buhay na ngayon ay unti-unti na nilang tinatamasa ng kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *