Mga Netizens Humanga Sa Na Achieve Na Weight Goal Ng Aktor Na Si Janus Del Prado

Nang pumasok ang Bagong taong 2021, ay isa sa mga New Year’s resolution ng aktor na si Janus del Prado ay ang ibalik ang pagiging fit at healthy ng kanyang katawan, kung kaya naman sa unang buwan pa lamang ng taong ito ay sinimulan na din niya agad ang kanyang weight loss journey.




At limang buwan nga lamang ang nakalilipas matapos niyang simulant ang kanyang weight loss journey ay masayang ibinahagi ni Janus nito lamang nakaraan na malapit na niyang ma-achieve ang pinapangarap niyang fitness goal.

Image Credit via Instagram

Napa-wow at na-inspire ang madaming mga netizens ng ibahagi ng aktor sa kanyang Instagram account kamakailan lamang na sa limang buwan niyang pagbabawas ng timbang ay napagtagumpayan niya na mabawasan na ng 60 pounds o halos 27 kilo ang kanyang timbang na noon ay nasa 210 pounds ng simulant niya ang kanyang fitness journey nu’ng ika-1 ng Pebrero.

Image Credit via Instagram

Makikita sa IG ni Janus ang kanyang ‘before and after’ picture, kung saan ay kapansin-pansin na nga ang malaking pagbabagao sa kanyang pangangatawan. Mula sa kanyang dating timbang na 210 pounds, ay weight gola ng aktor na makapagbawas ng 70 pounds, kung kaya mula nu’ng ika-8 ng Mayo ay 10 pounds na lamang ang ibabawas niya sa kanyang timbang para tuluyan niyang makamit ang weight goal niya.

Image Credit via Instagram

Kalakip ng ‘before and after’ na larawan ni Janus ay ang inilagay niyang caption na;
“21lbs – 150lbs. 10 lbs na lang ayaw pa matanggal. Eh basta. Kaya yan! Let’s YouJizz!… este.. Let’s do this! #roadto140lbs #stuckat150lbs #weightlossjourney #fitnessjourney #goodvibesonly #titogoals #tonewbeginning”

Image Credit via Instagram

Matatandaan naman sa naging unang fitness goal update ni Janus na sinabi niya na kaya niya kinailangan na magbawas ng timbang ay dahil sumobra ang kanyang timbang sa nararapat na dapat ay timbang niya lamang na angkop sa kanyang height.
Lahad pa ng aktor, wala namang masama sa pagiging ‘chubby’, basta’t malusog at masaya ang isang tao.

Image Credit via Instagram

Ibinahagi rin ni Janus na kung nakaya niya ang magbawas ng kanyang timbang ay makakaya rin ito ng kahit na sino lalo na kung ito ay para sa ikakaayos ng kanilang kalusugan.




Maliban sa mga netizens ay masaya rin ang mga kaibigan ni Janus sa indsutriya ng showbiz kung nasaan na ngayon sa kanyang fitness journey ang kaibigan nilang aktor at suportado nila ito sa pagpapalakas at pagpapalusog nito ng kanyang katawan, kagaya na nga lamang nina Judy Ann Santos, Camille Prats at Giselle Sanchez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *