Mga Netizens Ikinamangha Ang Mga Magagandang Larawan Ni Melai Cantiveros

Naging kapansin-pansin sa mata ng maraming mga netizens ang taglay na kagandahan ng Filipinas actress, comedian at host na si Melai Contiveros nito lamang nakaraan Kamakailan nga lamang ay nag-flex ang TV host-actress-comedian ng kanyang outfit of the day para sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan.




Makikita sa kanyang naging post ang tila mala-modelong pag-pose ni Melai, habang ibinibida nga ang kanyang simpleng maxi dress na napaka-elegante naman ng dating, na pinaresan nga niya ng kanyang rattan bag at white heels.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Kalakip ng post na ito ni Melai, ay ang kanyang naging caption na;
“@mrandmrsfrancisco: At the wedding of my sissyani @mayorajove And @brbsss, mamaya ko sila ipopost pero shoutout muna sa aking stylist @icavillanueva for my outfit [three red heart emoji].’

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ni Mela na animo’y isa siyang modelo, at talaga namang bumagay sa kanya ang ayos niya at ang suot-suot niyang maxi dress, dahilan para umani ang nasabing larawan ng iba’t ibang mga komento at paghanga mula sa mga ilang mga kaibigan at netizens.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Kabilang nga sa mga nagbigay komento ay sina @mariaceciliabernardo “ganda”[burning fire emoji]. Si Melai Cantiveros o mas kilala ng kanyang pamilya sa tunay niyang pangalan bilang si Melisa Cantiveros-Francisco ay isang Filipina comedian, actress at TV host.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Nagsimula siyang makilala sa mundo ng showbiz ng tanghalin siyang “big winner” sa reality show na Pinoy Big Brother: Double Up noong taong 2009.

Photo Credit: mrandmrsfrancisco/Instagram

Ikinasal siya sa actor-comedian na si Jason Francisco taong 2013, at ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae.




Taong 2015 naman ng manalo siya sa Filipino version variety show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar. Isa siya mga masasabing matagumpay na comedian-actress ngayon sa showbiz,

dahil sa napakarami na rin niyang mga proyekto na nagawa.Sa kasalukuyan ay isa pa ring ABS-CBN contract talents si Melai, at napapanood nga sa morning talk show ng nasabing network na ‘Magandang Buhay’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *