Mga Netizens Kinaaliwan Ang Taglay Na Kagwapuhan At Kakisigan Ni Darren Espanto

Para sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-dalawampung taong kaarawan ay mayroong mga naging bagong pasabog si Darren Espalto sa kanyang mga tagahanga, at ito nga ay ang kanyang ibinida sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan.




Ibinida ni Darren sa kanyang Instagram ang kanyang mga sexy photos kung saan ay makikita ang kanyang angking kakisigan at kagwapuhan sa suot niyang sando na kulay puti.

Photo Credit: darrenespanto/instagram

“Twenty”, ang maikling caption ni Darren sa mga larawan niya na ito.
Kasunod naman nito ay ang naging pagbabahagi n ani Darren ng mga larawan na kuha sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, na talaga namang espesyal na araw para sa kanyang buhay.

Photo Credit: darrenespanto/instagram

“Can’t wait to eat all types of cakes again this year! HAHAHAHA pero baka naman pwedeng birthday gift niyo na po sa akin ang manood ng comeback concert ko!
“DARREN: HOME RUN June 19 and June 20! For tickets go to KTX. Ph, IWantTFC, or TFC IPTV. THANK YOU PO!”, ani Darren.

Photo Credit: darrenespanto/instagram

Nakasaad nga sa caption ni Darren para sa kanyang mga tagahanga, kaibigan at kapamilya na sa kanyang kaarawan ay tanging nais niya na regalo ay ang panoorin ng mga ito ang kanyang comeback concert.

Photo Credit: darrenespanto/instagram

Mababasa naman sa comment section ang bumubuhos na pagbati ng mga tagahanga ni Darren para sa kanyang kaarawan. May mga natanggap namang regalo si Darren mula sa kanyang mga kaibigan at fans, katulad na lamang ng digital billboard sa South Korea.

Photo Credit: darrenespanto/instagram

Tunay namang hinangaan ng maraming netizens ang pagiging ganap ng binata ni Darren, dahil mula sa pagiging isang singer ay masasabi naman talaga na ngayon ay isa na ito sa mga heartthrob. Mas lalo naman kasu talagang naging gwapo at makisig si Darren ngayon na siya ay ganap ng binata.

Nagpapasalamat naman si Darren sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa ilang taon na rin niya sa industriya ng showbiz. Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga nagpaabot ng pagbati para sa kanyang kaarawan.




Ayon kay Darren, tila wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay ngayon, at talaga namang puno ng pagpapala ang buhay niya, lalo na’t hindi pa rin nagbabago ang suporta na ipinapakita at ipinaparamdam sa kanya ng mga tagahanga niya na siya ngang dahilan para tamasain niya ang kasikatan niya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *