Mga Netizens Kinagigiliwan Ang Pagiging Isang Hands On Mom Ni Coleen Garcia Sa Kanyang Anak

Magmula nga ng maging isang ina, ay talagang kinarir ng aktres na si Coleen Garcia ang pagiging isa ng mommy. Ilang beses na rin ngang ipinamalas ni Coleen kung gaano siya ka-hands-on pagdating sa pag-aalaga sa anak nila ng mister niyang si Billy Crawford na si baby Amari.




Samatala, nito lamang nakaraan ay muli ngang ipinakita ng aktres na si Coleen Garcia ang kanyang pagiging maalaga at hands-on mommy, ito ay matapos nga nilang ibahagi ang ilang mga larawan nilang magpamilya ng sila ay magbakasyon sa isang napakagandang beach resort.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Makikita naman kasi talaga sa larawan na kahit na malaki na ang anak nilang si Baby Amari ay tila wala naman talaga silang pinipiling lugar, dahil kahit nga sila ay nasa kalagitnaan pa ng pag-e-enjoy sa dagat habang nag-pa-paddle board, ay go na go pa rin si Coleen na i-breastfeed ang kanyang napaka-cute na anak na si Amari ng ito nga ay naghanap na ng dede.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Sa nasabing larawan din na ito ay masusulyapan din ang pagiging isang supportive at hands-on father ni Billy, dahil sa naging pag-alalay nito sa kanyang mag-ina, upang kahit nga sila ay nasa dagat pa ay maayos na makapa-dede ang misis niyang si Coleen sa anak nilang si Amari.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Sa kabila naman ng ganito nilang sitwasyon habang sila nga ay nasa dagat at nagpa-paddle board, ay hindi naman mababakas kana Billy at Coleen na sila ay nahihirapan sa kanilang anak, dahil ang masisilayan nga lamang sa mag-asawa ay ang kasiyahan bilang mga magulang na handing gawin ang kahit ano maalagaan lamang ang anak nila at maibigay lamang ang pangangailangan nito, lalo na nga ang maka-dede.

Photo Credit: billycrawford/Instagram

Kinagiliwan naman talaga ng marami ang pagiging hands-on ng mag-asawa bilang mga magulang, lalo na nga ang pagiging hands-on ni Coleen at ang pagiging ready nito lagi na i-breastfeed si baby Amari.

Umani naman talaga ng mga positibong komento ang mga larawan ng pamilya, at narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens. “So adorable hands-on ng dalawa, nakakatuwa sila tingnan makikita mo dito agad na maayos at healthy nilang mapapalaki ang batang ito.”




“Ang cute nilang pamilya.”“Si Daddy naman daw ang next, just kidding but ang cute nilang tatlo, hindi magugutom niyang si baby hehe.” Matatandaan na isinilang ni Coleen Garcia ang panganay na anak nil ani Billy Crawford na si Baby Amari nooong ika-10 ng Setyembre taong 2020 sa pamamagitan nga ng water birth sa mismong tahanan nilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *