Mga Netizens Kinagiliwan Ang Mga Larawan Ng Aktres Na Si Alessandra De Rossi Habang Masayang Nakikipaglaro Sa Kanyang Pamangkin

Tila kinagigiliwan nga ng aktres ngayon na si Alessandra De Rossi ang kanyang pagiging isang Tita. Dahil sa kanyang social media account ay madalas nitong ibinabahagi ang mga ‘cuteness photo’ ng kanyang pamangkin na si baby Fiore, minsan pa nga ay mga bonding moments niya kasama ito.




Si baby Fiore ay ang anak ng nakatatandang kapatid ni Alessandra na si Asunta De Rosi.
Sa Instagram nga ni Alessandra, kung ito’y bibisitahin ay makikita kung gaano kinasasabikan ng aktres ang kanyang pamangkin. Madalas nga nitong ipino-post ang mga bonding moments niya kasama si Baby Fiore, lalo na ang mga larawan kung saan ay giliw na giliw siya sa naturang sanggol.

Photo Credit: msderossi/instagram

Samantala, makikita naman sa isang IG post ni Alessandra sa kanyang Instagram ang larawan nila ni Baby Fiore, kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na tila isang dialogue na pag-uusap nilang dalawa.

Photo Credit: msderossi/instagram

“Zia I have a problemz! What is chin?!”, na nilagyan naman ni Alessandra ng kanyang pabirong kasagutan na “uhm,…. It’s a family problem.” Mapapansin sa mga larawan ng mag-tita na si Alessandra at Baby Fiore ay pareho ng face feature ang dalawa. Ang anggulo ni Alessandra kung saan siya ang naka-side ay makikita ang kanyang double chin, samantala si baby Fiore naman kahit nakaharap au makikita rin ang double chin nito.

Photo Credit: msderossi/instagram

Para naman sa nakatatandang kapatid ni Alessandra na si Asunta, na siyang ina ni Baby Fiore ay “the best auntie” para sa kanyang anak, ang kapatid niyang aktres. Ito ay dahil nga sa palagi nitong dinadalawa ang pamangkin.




Mas kinagigiliwan na nga ngayon ni Alessandra si Baby Fiore, lalo na nga’t nagsisimula na itong maging isang aktibo at bibong sanggol. Matatandaan na si Baby Fiore o sa buong pangalan nga ay si Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma ay itinuturing ng mag-asawang Assunta De Rossi at Jules Ledesma bilang isang “miracle baby”.

Isinilang ang naturang sanggol noong ika-24 ng Oktubre taong 2020, kung kaya naman pararin sa mag-asawa ay isang ‘early Christmas gift’ ang naging pagdating nito sa kanilang buhay.
Ayon sa pahayag noon ni Assunta, isa sa mga pangalan ng kanyang anak, ay isinunod niya sa kapatid niyang si Alessandra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *