Mga Netizens Kinagiliwan Ang Mga Larawan Ng Mag Inang Sheena Halili At Baby Martina

Marami sa atin ang nakasubaybay sa buhay ng mga hinahangaan nating celebrity, madalas nga tayo nakaabang sa mga ibinabahagi nila sa kanilang social media account. Isa nga sa mga madalas nating bisitahin na social media accounts ng mga hinahangaan natin sa showbiz ay ang kanilang Instagram account kung saan dito nga natin makikita ang napakarami nilang magagandang larawan.




Samanatala, maliban nga sa mga larawan ng celebrity sa kanilang social media account ay nagbabahagi rin nga sila ng mga larawan ng kanilang pamilya o di kaya naman ay larawan ng kanilang anak, na talaga namang kinatutuwa at kinagigiliwan ng mga netizens.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Isa sa mga celebrity na madalas ngang magbahagi ng larawan sa Instagram ay ang celebrity mom na si Sheena Halili, kung saan ay mas kinagiliwan pa nga ng mga netizens lalo na kapag kasama niya sa mga larawan ang kanyang napaka-cute na baby girl na si Baby Martina.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Sa mga larawang ibinabahagi ni Sheena sa kanyang Instagram ay makikita nga ang mga nakakatuwang bonding moments nilang mag-ina. Isa nga sa mga kinagigiliwan na larawan na ibinahagi ni Sheena sa kanyang Instagram ay ang mga larawan nila ni Baby Martina kung saan sila ay may mga nakakatuwang pose.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Kapansin-pansin din sa iba pang mga larawan nina Sheena at Babay Martina ng kanilang madalas na pag-twinning outfit. Masasabi din sa mga pag-pose ni Baby Martina na sa murang edad nga nito ay talagang mayroon na itong pagka-celebrity material.
Kitang-kita naman sa isang solo photo ni Baby Martina ang kanyang pagiging photogenic, kaya naman talagang siya ay kinagigiliwan ng maraming mga netizens.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Masasabi naman na napaka-hands-on ni Sheena sa kanyang anak sapagkat kahit saan nga naman siya magpunta, bakasyson o adventure man ay kasama niya si Baby Martina.
Sa ngayon nga ay napakarami at halos libo libo na ang mga natanggap na likes ng napaka-cute na larawan ni Baby Martina at ang ilan ngang mga larawan ng mag-ina sa Instagram. Talaga namang napakaraming mga netizens ang giliw na giliw sa mag-ina at hinahangaan ang mga cute na larawan nila.




Batid naman natin na hindi madali ang maging isang ina dahil kaakibat nga nito ay ang napakaraming responsibilidad at obligasyon, ngunit tunay naman na iba ang saya at galak na naibibigay ng isang anak sa kanilang mga magulang, tulad na nga lamang ng kaligayahan na hatid ni Baby Martina sa kanyang inang si Sheena Halili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *