Mga Netizens Kinagiliwan Ang Mga Nagkukyutang Childhood Photo Ng Mag-Asawang Coleen Garcia At Billy Crawford

Nito lamang nakaraan ay lumabas sa fan page ng mag-asawa Coleen at Billy sa Instagram ang kanilang mga nagkukyutang childhood photo, kung saan ay talaga namang masisilayan na noon pa mang kabataan ng mag-asawa ay pareho na nilang taglay at maganda at gwapong pisikal na katangian.




Ang childhood photo na ito ng mag-asawa ay may captions na “The cutie young Crawfords”.
Kitang-kita nga naman sa lumabas na childhood photo ng mag-asawa na noong bata pa sila ay talaga namang artistahin na ang kanilang awra at taglay na kakyutan. Kaya naman ng hindi nakakapagtaka na ang kanilang napaka-kyut na anak na si baby Amari ay nagmana rin sa kanila.

Image Credit via Instagram

Makikita nga rin ang larawan ni baby Amari sa left side ng collage, kung saan ang nasa right side nga ay ang throwback phpto ng kanyang mga magulang. Dito ay mapapansin kung gaano nga kakyut si Baby Amari at kung ano ang mga facial features niya na namana niya sa kanyang mga magulang.

Image Credit via Instagram

Ang larawan nga na ito ni baby Amari na isang full body picture ay tila kinunan sa naganap niyang photoshoot bilang endorser ng isa sa mga malaki at kilalang company clothing brand sa ating bansa.

Image Credit via Instagram

“Coleen Garcia + Billy Crawford = Baby Amari”, dagdag na saad pa nga sa caption.
Tunay namang kinagiliwan ng mga netizens ang mga kyut na kyut na larawan nina Billy at Coleen noong sila ay bata pa, at ang iba nga sa kanila ay hindi maiwasan na pansinin kung sino nga ba sa mag-asawa ang talaga namang kamukha ng kanilang anak na si Amari.

Image Credit via Instagram

Ibinihagi ng isang fan account sa Instagram ang mga childhood photo nina Billy at Coleen, at ang mga larawan nga na ito ay makikita kung bibisitahin ang IG account na may username na @crawfords_love.

Image Credit via Instagram




Sa comment section ng larawan ay mababasa ang maraming mga komento na nagsasabi na talaga namang napakaganda at gwapo ng lahi ng mag-asawang Coleen at Billy, dahil ang ibedensya ay makikita nga sa kanilang anak na si baby Amari na talaga namang overload ang kakyutan.

Napansin naman ng marami na ang similarity nina Coleen, Billy at baby Amari ay ang kanilang genuine smile.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *