Mga Netizens Kinagiliwan Ang Throwback Photo Ni Ina Raymundo

Isa sa mga aktres na talaga namang hinahangaan at pinapantasya noon hanggang ngayon ay ang napakaganda at seksing aktres na si Ina Raymundo. Tunay naman na walang kakupas-kupas ang taglay na kagandahan ni Ina, dahil sa kanyang edad na 45 ay napakaganda pa rin niya ay napapanatili niyang fit at seksi ang kanyang pangangatawan.




Batid ng marami na si Ina ay isa ng ganap na ina ng kanyang limang anak, kaya naman marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang sikreto ng aktres, para mapanatili ang kanyang kagandahan at kaseksihan na nakikipagsabayan pa rin sa mga batang artista ngayon.

Photo Credit: inaraymundo95/Innstagram

Mula pa nga naman noon hanggang ngayon ay talaga namang hahangaan ang taglay na kagandahan ng isang Ina Raymundo.

Photo Credit: inaraymundo95/Innstagram

Samantala, sa Instagram account naman ni Ina nito lamang nakaraan ay nagbahagi siya ng kanyang throwback photo, kung saan ay talaga namang kanyang pinatunayan na ang taglay niyang kagandahan ay hindi pa rin kumukupas mulla noong kanyang kabataan hanggang ngayon na siya ay isa ng ina ng kanyang limang mga anak.

Photo Credit: inaraymundo95/Innstagram

Ang isang larawan na ibinahagi ni Ina ay nakasuot siya ng classic long dress na talaga namang bagay sa kanya at litaw na litaw ang kanyang ganda, samantala sa ikalawang larawan naman ay tila nagpaka-sweet 16 vibes ang aktres dahil sa ito isang pink spaghetti strap na damit ang kanyang suot.

Photo Credit: inaraymundo95/Innstagram

Kalakip ng throwback photo na ito ni Ina ay ang caption niyang, “Sweet & curly @16 #blastfromthepast #27yearsago.” Lingid naman sa kaalaman ng marami sa atin na bago man tumuntong ng edad 18-taong gulang si Ina ay sumabak na siya pagmomodelo, kung saan ito rin ang naging daan para mapasok niya ang industriya ng showbiz.

Photo Credit: inaraymundo95/Innstagram

Makikita sa isang ibinahaging larawan ni Ina na siya ay isa ng modelo, at kitang-kita nga ang napakaganda niyang mukha at balingkinitan na katawan. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nagbabago na isa si Ina Raymundo sa mga inspirasyon ng kababaihan, at patuloy na pinapantasya ng mga kalalakihan.




Nakakabilib nga naman ang pagiging fresh young looking ni Ina Raymundo, dahil batid natin na hindi madali ang i-maintain ang magandang mukha at pangangatawan lalo kung ikaw ay isa ng ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *