Mga Netizens Kinagiliwan sa Social Media Ang Love Story Ng Isang Pinay At Foreigner Boyfriend Na Nagkakilala Online

Iba-iba nga naman ang kuwento ng pag-ibig, may iba na nakakatagpo ang kanilang ‘forever’ sa mismong bayan lamang nila o bansa, ngunit mayroon din namang iba na ang ‘the one’ nila ay mula sa ibang lahi at bansa na nakilala nila sa mga online dating apps na nauuso ngayon.




Kung ang ilan nga sa atin ay may pag-aalinlangan na mahanap sa ibang bansa ang ating ‘forever’ ang iba naman ay matapang na sumusubok. Isa na nga sa mga ito ay ang magkasintahan na sina Marybell Briones o Bella na isang Filipina at mula sa Oslob, Cebu at si Michael Wentz o Mikey na isa namang banyaga at mula nga sa Washington DC, sa USA.

Image Credit via Google

Tulad ng ibang magkasintahan, sina Bella at Mike nga ay mayroon ding kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig, at ito nga ay naging laman ng social media kamakailan lamang kaya naman hinahangaan ito ng maraming netizens.

Image Credit via Google

Ayon sa kuwento ng magkasintahan, silang dalawa ay nagkakilala noong taong 2018 sa isang online dating site, at ng mga panahon nga na iyon ay nagtatrabaho bilang medical technologist ang banyaga. Matapos ang kanilang pagkakakilala sa dating apps, ay nagtuloy-tuloy ang kanilang komunikasyon sa Instagram, hanggang sa ang simple nga nilang pag-uusap at pakikinig sa isa’t isa, ay nauwi sa pagkakahulugan na nila ng loob.

Image Credit via Google

Sa kabila ng madalas na pag-uusap nina Bella at Mikey, ay hindi pa rin nga sila nagkikita at sa online lamang nagkakausap dahil nga nasa magkaibang bansa sila. Ngunit taong 2019 nga ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkita at magkasama, kung saan dito na nga nagsimula na mas lumalalim pa ang relasyon nila.

Bago pa man nga lamang ang relasyon ng dalawa, ay kaagad ng sinubok ang tiwala at pagmamahal nila sa isa’t isa ito nga ay ang magkaroon ng krisis. Kahit nga matagal -tagal na magkalayo dahil sa krisis, ay nanatiling matatag ang relasyon nina Bella at Mikey at hindi nawala ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ibinahagi naman ni Mikey kung ano ang mga nagustuhan niyang katangian ni Bella na mas lalo pang nagpalalim ng pagtingin niya sa dalaga.
“I liked the way she looked… What’s really interesting is how she called herself petite so I checked her height and she said she was only 4’7″. I was like… I just want to talk to her.”

Para naman umano kay Bella ang nagustuhan niya kay Mikey ay ang pagiging family-oriented nito at ang pagiging adventurous ng binata.
Dahil nga sa nakakatuwang kuwento ng pag-iibigan ng magkasintahan ay na-feature sila sa isang show sa GMA network kung saan ay nakapanayam sila ni Kara David.

Video Credit YouTube

Hindi naman inaasahan ng Pinay na si Bella na sa mismong panayam na ito sa kanila ay sorpresang magpo-propose sa kanya ang foreigner boyfriend niyang si Mikey.




Labis naman ang kasiyahan na nadarama ni Bella ngayon na sila nga ay engage na ng kanyang nobyo, at mas dumoble pa ang saya na kanyang nararamdaman ng sila ay muling magkita at magkasama kasabay na din ng personal niyang pagtanggap ng engagement ring mula sa kanyang fiancée.

Talaga namang sinulit nina Bella at Mikey ang bawat oras at panahon sa muli nilang pagsasama, at hindi rin maitatanggi ang kanilang kasiyahan ngayon na sila nga ay engage na sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.