Mga Netizens Naloka Sa Naging Pa House Tour Ni Kiray Celis Sa Kanyang Napakagandang Bahay Sa Tagaytay

Isang ‘exclusive house tour’ nga ang ipinakita ni Kiray sa kanyang bagong vlog, kung saan ay talaga namang super laki at ganda ng bahay ang kanyang tinour para sa kanyang mga tagahanga. May mga aso pa nga siyang kasama sa kanyang pa-house tour.




Sa unang bahagi ng video, ay ipinasilip ng actress-comedienne ang di umanoy silid ng kanyang ama pati na rin nga ang banyo nito. Pagbabahagi nga ni Kiray, dahil sa simple lang ang gusto ng kanyang ama, ay wala umanong masyadong gamit sa loob ng silid nito.

Image Credit via YouTube

Ngunit kahit walang masyadong gamit sa naturang silid, ay hindi maikakaila na napakaganda nito. “Gusto kasi ni Papa simple lang. Ito ‘yung kama, matibay na pundasyon. Wala pa masyado appliances so electricfan lang muna”, chika ng ani Kiray.

Image Credit via YouTube

Proud pa ngang ipinahayag ng komedyanang aktres, na talaga namang napakaganda ng bahay na umanoy kanilang napundar. “Talaga namang masasabi ko na napakaganda ng naipundar naming bahay”, ani pa nito.

Image Credit via YouTube

Maliban pa nga sa silid ng kanyang ama, ay ipinasilip rin ni Kiray ang iba pang bahagi ng bahay, na talaga namang panay magaganda, kagaya na nga lamang ng malawak na kitchen, dining at pati na nga ang living room.

Image Credit via YouTube

Ayon pa kay Kiray, nasa living room ang mga laruan ng kanyang mga pamangkin.
Ibinahagi rin ng Kapuso actress-comedienne, ang pinakapaborito niya umanong bahagi ng bahay, at ito nga ay ang napakaganda at luntiang tanawin na matatanaw kapag ikaw ay nasa likurang bahagi nito.

Image Credit via YouTube

“Ito na ang pinakamagandang view sa lahat. Paglabas mo ito ang makikita mo.”
Chika pa nga ni Kiray, ay talagang napakaganda ng view ng naturang bahay, lalo’t napaka-aliwalas ng makikitang tanawin na kany ganda nga naman sa paningin at talagang nakakawala ng problema.

Image Credit via YouTube

Sey pa nga ng komedyana, ay iba umano ang pakiramdam kapag nakita mo ang isang napakagandang bagay na naging bunga ng iyong pagtatrabaho. “Talagang life is so beautiful. And so we are. Napakasarap sa feeling na makita lahat ng pinaghirapan mo”, ani Kiray.

Video Credit: Kiray Celis/YouTube

Dagdag pa niya, “Ang galing din ng parents ko kasi talagang ang sinop nila. Alam nila kung saan ilalagay ang pera ko.” Pagbabahagi pa niya, lahat umano ng kanyang kinikitang pera sa kanyang trabaho ay dinidiretso niya ng bigay sa kanyang magulang. At pangarap niya nga talaga, ay ang mabigyan ang mga ito ng isang maganda at masaganang buhay.




Samantala, nang tatapusin na nga ni Kiray ang kanyang video vlog house tour, ay bigla namang sumulpot ang kanyang ama, at sinabi nga na “Halika na, check out na tayo. Uwi na tayo.”

At kaya nga naloka ang kanyang mga subscribers, ay dahil sa naging pag-amin na nga ni Kiray na ‘prank’ lamang ang kanyang house tour vlog, dahil sa hindi talaga sa kanila ang naturang bahay, at ito ay nirentahan lamang nila nang sila ay magbakasyon sa Tagaytay.
“Okay babies. It’s a prank! Hindi po namin bahay ‘to. Ni-rent lang naming ang rest house na ito. It’s a prank babies!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *