Mga Netizens Namangha Sa Transformation Ng Dating PBB Housemates Na Si Angelie Reposposa

Ang dalagang si Angelie Reposposa ay unang nakilala ng publiko ng siya ay maging isa sa mga kalahok ng “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime na mapapanood sa ABS-CBN.



Naging daan ang pagsali ng dalaga sa “Tawag ng Tanghalan”, upang siya ay makapasok sa Pinoy Big Brother House, ito ay ng si Vice Ganda ang mag-entertain sa dalaga sa nasabing patimpalak at masabi niya rito na nais niyang makapasok sa PBB kung saan ng mga panahong iyon ay naghahanap na ng housemates ang nasabing reality TV show.
Sa pagpasok ni Angelie sa PBB, ay mas lalo pa nga nakita ng publiko ang totoong pagkatao ng dalaga, ang pagiging masayahin nito at pagiging isa niyang magaling na mang-aawit. Dito rin siya nakilala bilang si “Lei”.
Kung atin ngang babalikan ang naging pagkakakilala natin noon kay Lei, ay isang simpleng dalaga ito na hindi naglalagay ng anumang kolorete sa mukha at pagdating sa kanyang mga kasuotan ay talaga namang masasabi pa rin ang kasimplehan nito.
Ngunit ngayon, ay may isang malaking pagbabago sa dalaga na nag mangha sa kanyang mga tagahanga, lalo na pagdating sa pag-aayos ng kanyang sarili.
Sa kanyang mga bagong larawan ngayon sa social media, ay talaga namang makikita ang naging pagbabago kay Lei.
dahil ngayon ay maputi na ito kumpara sa kulay ng balat niya noon, at kapansin-pansin rin ang tila pagiging slim nito ngayon at ang paglalagay nito ng makeup sa kanyang mukha.
Mapapansin rin sa social media account ng dalaga, na mas confident na ito ngayon sa kanyang sarili. May ilang mga larawan ng ito, na kung saan ay makikita ang pagiging slim nito ngayon, kumpara noon.
Mayroon ding larawan ang dalaga, na kung saan ay mas maging kapansin-pansin ang taglay na kaputian ngayon ng kanyang kutis, at ang paglalagay niya ng makeup sa kanyang mukha.



Sa nakikita nga natin kay Lei ngayon, ay masasabi natin na mas naging attractive ang dalaga dahil sa bagong bersyon niya sa kanyang sarili.
Masasabi na natin na may naghihintay pang mas magandang future pagdating sa karera ng dalaga, lalo na’t ngayon ay mas nakikita na ang natatago nitong ganda, na hindi lang napapansin noon dahil sa kanyang kasimplehan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *