Mga Netizens Napa Wow Kay Ericka Camata A.K.A Miss Everything Dahil Sa Kanyang High-Fashion Photos

Nito lamang nakaraan ay naging trending topic online si Ericka Camata, o mas kilala sa bansag sa kanya bilang Miss Everything, ito nga ay dahil sa marami sa kanyang mga tagahanga at tagasubaybay ang talaga namang ikinamangha ang naging “transformation” niya sa high-fashion photos na kinunan ng photographer na si Alehks Fusilero.




Si Ericka Camata, ay isinilang bilang isang lalaki na may pangalang Jeric Maribojoc Camata. At siya naman ay binansagang Miss Everything ay dahil sa kanyang ginagawang pagbati sa mga tao sa kanyang vlog, kung saan imbis na hi everyone, ang dapat niyang ibati sa mga ito, ay hi everything ang madalas niyang nasasabi.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

Una siyang nakilala ng maraming mga netizens, dahil sa kanyang mga funny TikTok video sa kanyang YouTube, kung saan ay ng simulant niya ito noong Abril 2020, ay talaga namang napakarami na ang kanyang mga naging tagasubaybay, dahil sa aliw na aliw ang mga ito sa kanya.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

Samantala, noon ngang ika-22 ng Nobyembre 2020, ay lumabas online ang mga nakamamannghang larawan ni Ericka Camata. Makikita na ito ay unang ibinahagi sa Facebook ni Alehks, kung saan ay agad itong humakot ng napakaraming reactions at shares online.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

Sa naging panayam naman ng PEP.ph kay Alehks sa pamamagitan ng Instagram direct message, ay ibinahagi ng naturang photographer, na talagang kanyang ikinatuwa ang naging “response” ng mga tagahanga ni Miss Everything sa mga larawan.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

“I was surprised. Because my goal was really just to give her a good photo shoot and not expecting anything.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

“But when people started sharing the photos and posting good comments, it was really flattering and humbling experience for me and my team”, ang naging saad nga ni Alehks sa nasabing panayam.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

Dagdag pa nga ni Alehks, ng malaman niya na si Miss Everything ay naka-base na sa Manila, ay siya mismo ang nag-approached dito para kunan ito sa isang photoshoot.

Photo Credit: erika_camata/Instagram

Ayon pa nga kay Alehks kaibigan niya ang manager nito, kaya naman ay kinausap niya ito tungkol sa photoshoot na nais niyang gawin kay Miss Everything habang ito ay nasa Manila.

Sa una ngang pagkikita nina Miss Everything at Alehks, ay agad niyang napuna ang pagiging mahiyain nito, ngunit sa kabila nito ay humanga siya dahil sa napaka-ayos nito makisaama at makatrabaho.

“She was shy at first but she opens up immediately.
“She’s very energetic, and fun to work with. She didn’t suggest anything, she just trusted us with whatever we want to do.”

Ibinahagi naman ni Alehks, na ang naging inspirasyon ng kanyang team sa ginawa nilang fasion photo shoot kay Miss Everything, ay ang malapit nitong pgkakahawig sa mang-aawit na si KC Tandingan.




Saad pa ng photographer, ang photo shoot na ito na kanilang ginawa, ay ang kauna-unahang photo shoot ni Miss Everything sa Manila.

Maliban naman kay Alecks, ang iba pang nasa likod ng nakamamanghang fashion photo shoot ni Miss Everything ay naging posible dahil sa kanyang mga fairy godparents na sina Ray Bien Gonzaga Maglonzo (make-up artist), Keigh Dones (hair stylist) at Omar Sali (Stylist).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *