Mga Netizens Napa-Wow Sa Latest Photo Post Ng Aktres Na Si Angel Locsin

Si Angel Locsin ay isa sa mga aktres na talaga namang hinangaan at inidolo ng marami, ito ay dahil sa kanyang napakaraming mga mahuhusay na pag-ganap sa mga iconic roles.




Maliban sa mahusay na aktres, ay hinahangaan din kay Angel ang pagkakaroon niya ng mala-anghel na mukha at napakagandang hubog ng katawan, na naging puhunan nga niya upang ibigay sa kanya ang iconic role noon na “Darna” na nagpasikat lalo sa kanya.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Matatandaan rin na dahil sa taglay na kaseksihan ni Angel ay nakuha niya noong taong 2005 ang titulong FHM Philippine sexiest women, kung saan makalimas ang limang taon ay muli niya uli nasugkit ang titulong ito.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Hindi lamang sa Pilipinas hinahangaan ang kaseksihan ni Angel, dahil maging sa ibang bansa ay itinanghal din siyang MTV Australia’s Sexiest Nationalities.
Samantala, dahil naman sa pagkakaroon niya ng injury, ay biglang nagbago ang hugis ng panganagatawan ni Angel,

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

kung saan ang mga iniinom niyang mga gamot noon ay naging dahilan para lumubo ang kanyang katawan dahilan para mawala ang taglay niyang kaseksihan. Sa kabila nito ay hindi pa rin naman maikakaila na napakaganda pa rin niya.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Ngunit ngayon, tila naman back to fitness na si Angel, ito nga ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account nito lamang nakaraan ang kanyang pinakabagong larawan kung saan makikita na nagbabalik na ang kanyang seksing pangangatawan.

Agad namang umani ng papuri at napa-wow ang mga netizens sa larawan na ito ng aktres, at maging mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz ay namangha rin sa naging mabilis na resulta ng kanyang fitness journey.

“Hayep Mars!”, ang naging komento ni Angelica Panganiban. Maging ang si Marian Rivera at Bea Alonzo ay nagbigay komento rin sa latest photo ni Angel. Ilan pa sa mga showbiz personality na nagbigay komento at namangha sa kaseksihan na ngayon ni Angel ay sina Dimles Romana,

na bestfriend niya, si Ryza Cenon na nakasama niya noon sa seryeng The General’s Daughte, at sina Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Agot Isido, Anne Curtis.
Maging ang mga netizens ay talagang napa-wow sa bagong larawan ni Angel, narito nga ang mga naging komento nila.




“u r so BEAUTIFUL mula noon hanggang ngayon walang kupas ang ganda ng nag-iisang DARNA, idol MS ANGEL LOCSIN.” “Sana all naman talaga… Mabilis pumayat”
“Luv u ms. Angel Locsin kahit anu pang figure mo. Still u r angel in and out!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *