Mga Netizens Tuwang Tuwa Kay Baby Amari Habang Nakikipaglaro Sa Asong Si Tamomo

Mabilis lumipas ang kabataan ng isang tao, kaya naman para sa mga magulang ay kinakailangan na sulitin at gawing napaka-memorable ang bawat stage ng kabataan ng kanilang anak.




Kabilang na nga sa magulang na ito na talaga namang tine-treasure ang bawat sandal ng kabataan ng kanilang anak ay ang celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford. Todo bonding nga naman ang mag-asawa sa kanilang panganay na anak na si baby Amari na ngayon nga ay 7-buwang gulang na kaya naman napaka-aktibo na nito at punong-puno ng enerhiya.

Photo Credit: coleen/Instagram

Madalas ngang magbahagi ang mag-asawa ng mga baby photo at video ni baby Amari sa Instagram, na talaga namang kinaaliwan ng marami nilang mga tagahanga dahil sa cuteness overload naman talaga ang kanilang anak.

Photo Credit: coleen/Instagram

Kagaya na nga lamang ng isang larawan at video ni Baby Amari na kamakailan lamang ay ibinahagi ng kanyang mga magulang, na ang hatid nga ay aliw at gigil sa mga netizens.

Photo Credit: coleen/Instagram

Makikita ang naging masayang paglalaro ni Baby Amari, kung saan habang siya’y nakasakay sa basket ay kalaro niya ang kanyang mommy at ang alaga nilang doggy na si Tamomo. Enjoy na enjoy naman si Amari sa kanilang naging paglalaro na ito lalo’t hinihila-hila siya ng kanyang mommy habang siya ay nakasakay sa basket, na kitang kita nga sa kanyang napaka-cute na mga bungisngis.

Photo Credit: coleen/Instagram

“This is us today! With a basket, blanket, shoelace, Amari’s favorite alligator toy, and ofc @ms.tamomo!”, ang naging caption ni Coleen sa post na ito. Para naman sa mga netizens na nakakita ng larawan na ito ni baby Amari, ay good vibes ang naging hatid sa kanila ng ka-kyutan ng naturang sanggol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)




Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens na kinagiliwan si baby Amari.
“How lovely, handsome, cute baby with her mom Coleen.” “You are so cuuttee cool and well taken care, by mama Coleen.”

“Very pretty and sexy coleen Garcia,.. Handsome amari, like your daddy Billy.”
“Sobrang cute naman ni baby Amari.” “Cute cute ng paa ni baby amari sarap pang gigilan ang taba taba kakagigil na bata.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *