Mga Netizens Tuwang Tuwa Sa Nakapa Cute Na Anak Ng Dating PBB Housemate Na Si Mikee Agustin

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng dating PBB housemate at GirlTrends member na si Mikee Agustin sa kanyang recent Instagram post ang mga nakakatuwa at kagiliw-giliw na video ng kanyang anak, kung saan ay makikita ang napaka-cute nitong pagtawa.




Makikita nga sa IG post ni Mikee, na noong ika-29 ng Enero niya ibinahagi ang video ng kanilang baby, ng partner niyang si Yexel Sebastian isang toy collector/curator. Sa naturang ang video ay maririnig ang pag hagikhik ng nasabing sanggol, at ito nga ay labis na ikinatuwa at kinagiliwan ng mga netizens.

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

Tunay ngang nakaka-giliw na makita at marinig ang isang sanggol sa humahagikgik sa tawa. Kalakip ng video na ito, ay ang naging caption ni Mikee na;
“Happy baby happy mommy ”

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

Matatandaan na ng dumating sa buhay nina Mikee at Yexel ang kanilang anak, ay agad nila itong ibinahagi sa social media, sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ni Mikee habang ginagawa ang pagbe-breastfeed sa kanilang munting anghel.

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

“Kahit katakot-takot na [email protected] ang [email protected] ko ng 2 days, worth it lahat anak ng makita kita [crying emoji] mahal na mahal ka naming lahat. Thank you, lord [praying hand emoji]”, ang naging saad ni Mikee sa nasabing larawan.

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

Sa kabilang banda, nagbahagi rin noon si Yexel sa kanyang IG, ng isang mensahe, kung saan ay talagang hindi niya umano ma-explain kung ano ang kanyang magiging reaksyon ng masilayan na niya ang baby nila ni Mikee.

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

“Hindi ko ma-imagine na ito yung baby ko. Hindi ko alam paano ako magre-react”, ani Yexel.
Una ang ibinahagi ni Mikee ang kanyang naging pagbubuntis noong nakaraang tao, buwan ng Setyembre, sa kanyang kaibigan at It’s Showtime host na si Vhong Navarro, sa pamamagitan ng isang prank kunwari na “Buntis si Mikee.”

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram




Hindi nga maikakaila kung gaano ka-proud parents sina Mikee at Yexel, dahil mula pa lamang sa journey ng pagbubuntis ni Mikee, ay madalas na nilang ibinabahagi sa kanilang social media accounts ang kanilang larawang dalawa kung saan ay makikita rin ang lumalaki ng baby bump noon ni Mikee.

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

At ngayon nga na kapiling na ng mag-partner ang kanilang munting sanggol, ay talaga namang kitang-kita ang kasiyahan sa kanila bilang mga magulang nito.

Photo Credit: iammikeeagustin/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *