Sa panahon ngayon ay tila pantay na nga ang kakayahan ng isang babae sa mga kalalakihan. Dahil marami sa mga ginagawa at trabaho ng mga lalaki ay kaya na ring gawin ng isang babae. Kung noon nga ay halos nasa loob lamang ng tahanan ang mga kababaihan at ang tanging ginagawa lamang ay ang mga gawaing bahay, ngayon ay makikita na sa ating lipunan at henerasyon na pantay na ang oportunindad at kalakasan ng babae at lalaki.
Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang flight deck drew ng The Philippine Airlines, kung saan nga ay puro mga kababaihan ang nagtatrabaho rito bilang mga piloto ayon nga ito sa naging pagbabahagi ng PAL spokesperson na si Cielo Villaluna.

Noon ngang ika-14 ng Oktubre ay nagkaroon ng all-female flight deck crew ang flight PR8655 mula Riyadh hanggang Manila kung saan ito nga ay may flag carrier na Airbus A330.

“Our lady pilots were thrilled!”, ang naging pagmamalaki ni Spokesperson Cielo Villaluna.
Dagdag pa na pahayag nito, “This flight brightened up my day and made me forget about my worries. A flight attendant and a former military female pilot. Wow, thank you ladies for sharing this beautiful sky with me. A flight full of hope and positivity, sisterhood, wisdom and faith. A milestone moment to be proud of.”Tunay nga namang nakakabilib na makakita ng mga babaeng piloto na nagpapalipad na ng mga eroplano internasyonal.

Kung noon nga ay mga kalalakihan ang madalas nating nakikita na nagiging deck crew at piloto, ngayon nga ay kayang kaya na itong sabayan at gawin ng mga kababaihan. Kagaya na nga lamang ng mga piloto na ito, na mula nga deck crew hanggang piloto ay puro mga babae.

Patunay nga lamang ito na ang kagalingan at abilidad ng isang tao ay hindi maaring ibase sa kasarian nito. Dahil ang importante ay kung paano niya bigyang halaga at dedikasyon ang kanilang napiling trabaho o propesyon.
Napakarami nga naman taalaga ang bumilib at humanga sa mga babaeng piloto na ito, dahil itinaas talaga nila ang pangalan ng mga kababaihan. “Girl power… I meant women empowerment! An amazing airline pilot can be a man or woman!” “Galing!!! Hoping one day I can be in one your flights” “Great to see all women crew of Philippine Airlines.”