Mga Tagahanga Aktor Na Si John Lloyd Cruz Namangha Dahil Sa Inilunsad Nitong Tricycle Booking Apps Sa Laguna

Ngayon nga naman ay napakarami at iba’t ibang mga mobile application ang nauuso, na ang iba ay maar ingang magamit sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga tao.




Ang online transportation booking sa mga taxi o pang publikong sasakyan ang isa sa mga nauusong mobile app ngayon, na talaga namang tinatangkilik ng maraming mga mamamayan dahil sa malaking naitutulong nito sa araw-araw na pagparoon at parito nila sa mga lugar na kanilang madalas pinupuntahan.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

At ngayon nga ay isa namang mobile application ang nauuso, at ito nga ay para sa mga kababayan natin na madalas na sumasakay ng tricycle, kung saan ay mas pinadali ang kanilang magiging pagsakay dahil sa pwede ng magpa-book kapag ikaw ay naghahanap ng masasakyang tricycle.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Mismo ngang ang aktor na si John Lloyd Cruz ang nagpasimula ng nasabing mobile apps na ito, at ito ay kanyang tinawag na “Trike Now” at inilunsad sa Cabuyao, Laguna noong ika-2 ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Sa ilang mga naging ulat, ay sinabing naki-partner ang aktor sa mga government officials at sa mga tricycle operators, dahil sa nakita nga na noong ini-launch ng aktor ang “Trike Now” ay kasa-kasama niya ang mga ito.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Ikinamangha at ikinabilib naman ng maraming mga taghanga ng aktor ang bagong exploration na ito ni John Lloyd sa kayang business venture.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Kung atin ngang titignan ay malaki ang maitutulong ng “Trike Now” sa mga kababayan natin na madalas sumasakay ng tricycle, dahil sa mas magiging mabilis na ang paghahanap nila ngayon ng tryke, lalo na nga kung nasa liblib na lugar o barangay ka naninirahan.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Marami naman sa mga tagahanga ng aktor ang umuusisa kung kailan babalik si John Lloyd, mula sa kanyang hiatus sa showbiz noong taong 2017.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Matatandaan na noong taong 2019 ay nagkaroon ng isang advertisement ang aktor, kung saan ay inakala na ng marami na ito na ang simula ng kanyang pagbabalik sa showbiz.

Photo Credit: johnlloydcruztm/Instagram

Sa naging panayam naman noon ni Tito Boy Abunda kay John Lloyd sa “Tonight With Boy Abunda”, ay ibinahagi ni John Lloyd kung bakit mas pinili niya muna ang magpahinga sa showbiz,




kung saan ay sinabi nga niya na may mga bagay siyang narealize na dapat mas bigyan ng halaga at atensyon. At dumating rin siya sa panahon, na mas nais niya munang magnilay-nilay sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *